LAKERS GIBA SA WIZARDS

LAKERS VS WIZARDS

NAGPASABOG si John Wall ng season-high 40 points at nagbigay ng 14 assists nang gibain ng Washington ang bumibisitang Los Angeles, 128-110, upang putulin ang four-game losing streak.

Naipasok ni Wall ang 16 sa 27 field-goal attempts, kabilang ang 4 of 8 sa 3-point range. Tumipa si Bradley Beal ng 25 points at 12 rebounds para sa Wizards, at umiskor sina Jeff Green at Sam Dekker ng tig-20 points.

Gumawa si Kentavious Caldwell-Pope ng 25 points mula sa bench para sa  Lakers, na nanalo ng tatlo sa apat, at nagdagdag si Kyle Kuzma ng 20. Nagtala si LeBron James ng 13 points, ang kanyang pinakakaunti laban sa Washington, sa 5-of-16 shooting sa loob ng 32 minuto.

SIXERS 128, CAVALIERS 105

Nagbuhos si Ben Simmons ng 22 points, 14 assists at 11 rebounds upang pangunahan ang bumibisitang Philadelphia 76ers la-ban sa Cleveland Cavaliers.

Ito ang ikatlong triple-double ni Simmons ngayong season at ika-15 sa kanyang career, at nakumpleto niya ito, mahigit apat na minuto ang nalalabi sa third quarter. Wala rin siyang turnovers sa kanyang 32 minutong paglalaro, upang maging ika-4 na player sa kasaysayan ng NBA na nagposte ng triple-double na hindi bababa sa 22 points, 14 assists, 11 rebounds at zero turnovers.

Nagdagdag si Joel Embiid ng 24 points at 9 rebounds, habang bumalik si  Jimmy Butler mula sa two-game absence dahil sa strained groin upang tumipa ng 19 points. Gumawa si Landry Shamet ng 16 points, at nagdagdag sina JJ Redick at Wilson Chandler ng 14 at 11 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Sixers, na nakabawi sa home loss sa Indiana Pacers.

Tumipa sina Cedi Osman at Jordan Clarkson ng tig-18 points para sa  Cavaliers, na bu­magsak sa 5-12 sa home. Nag-ambag sina Rodney Hood at Matthew Dellavedova ng tig-13 points, at umiskor si Collin Sexton ng 12.

KINGS 120, MAVERICKS 113

Nagtuwang ang young backcourt ng Sacramento na sina Buddy Hield at De’Aaron Fox para sa 56 points nang putulin ng Kings ang home win streak ng Dallas sa 11.

Maaari sanang napantayan ng Mavericks, na sumalang na tabla para sa league high na may 13 home wins, ang franchise record para sa pinakamahabang  home win streak. Subalit hindi napigilan ng Dallas, naglaro na wala sina starting guard Dennis Smith Jr. at bench spark plug J.J. Barea, ang emerging dynamic duo ng Kings.

Tumapos si Hield na may season-high-tying 28 points sa 12-of-23 shooting, habang nagbuhos din si Fox ng 28, naibuslo ang 11 sa kanyang 19 attempts.

HEAT 102, PELICANS 96

Pinangunahan ni Josh Richardson ang balanseng atake na may 22 points nang pataubin ng Miami ang host New Orleans. Nag-dagdag si Dwyane Wade ng  19.

Nakalikom si Hassan Whiteside ng 17 points at 12 rebounds, kumabig si Tyler Johnson ng 15 at gumawa si Derrick Jones, Jr. ng 11 para sa Heat, na tumapos sa 4-2 sa kanilang road trip.

Nanguna si Anthony Davis para sa Pelicans na may 27 points at 12 rebounds.

PACERS 110, KNICKS 99

Kumana si Victor Oladipo ng game-high 26 points upang tulungan ang Indiana na igupo ang bumibisitang New York.

Nagdagdag si Ola­dipo ng 8 rebounds, 7 assists at 5 steals para sa Pacers, na nanalo ng pitong sunod. Ito ang pinakamahabang winning streak ng Indiana matapos ang seven-game run mula Enero 26 hanggang Pebrero  6, 2017.

Tumapos si Enes Kanter na may 20 points at 15 rebounds para sa Knicks, na nalasap ang anim na talo sa pitong laro. Kumamada si Tim Hardaway, Jr. ng 19 points habang nagdagdag sina Emmanuel Mudiay at Kevin Knox ng 18 points at 15 points, ayon sa pagkakasunod.

NETS 144, HAWKS 127

Nagpakawala si D’Angelo Russell ng 32 points nang malambat ng Brooklyn Nets ang ika-5 sunod na panalo makaraang dis-patsahin ang bumibisitang Atlanta.

Nagtala si Russell ng 13 for 19 mula sa field at 5 for 9 sa 3-pointers at nagdagdag ng 6 re-bounds at 7 assists. Umiskor siya ng 18 sa first half. Ang Nets ay nasa kalagitnaan ng kanilang pinakamahabang winning streak magmula noong  2014-15 season, nang manalo sila ng anim na sunod.

Comments are closed.