LAKERS GIBA SA WIZARDS

NAGBUHOS si Bradley Beal ng 33 points at nagdagdag si Russell Westbrook ng 32 nang maitakas ng bisitang Washington Wizards ang 127-124 overtime win kontra  Los Angeles Lakers para sa kanilang unang five-game winning streak sa loob ng tatlong taon.

Kumamada si Beal ng 6 points sa overtime makaraang hindi makaiskor ng field goal sa fourth quarter, magmintis sa long jumper habang paubos ang oras sa regulation upang manatiling tabla ang laro sa l115-all.

Umiskor si Westbrook, nagdagdag ng 14 rebounds at 9 assists, sa loob at na-foul, may 11.6 segundo ang nalalabi sa over-time upang bigyan ang Wizards ng tatlong puntos na kalamangan.

Nagmintis si Westbrook sa sumunod na free throw upang magkaroon ng pagkakataon ang Lakers na itabla ang iskor, ngunit sumablay sina LeBron James at Kyle Kuzma sa 3-point attempts sa final possession ng Los Angeles.

Tumipa si Rui Hachimura ng 15 points at nagdagdag si Robin Lopez ng 13 mula sa bench para sa Wizards na umangat sa 2-0 sa pagsisimula ng four-game road trip kontra Western Conference teams.

Ang huling five-game win streak ng Washington ay noong Jan. 27-Feb. 10, 2018.

Nakalikom si James ng 31 points, 13 assists at 9 rebounds, habang nag-ambag si Montrezl Harrell ng 26 mula sa bench para sa Lakers na natalo ng tatlong sunod sa unang pagkakataon ngayong season.

BULLS 120,

ROCKETS 100

Naitala ni Zach LaVine ang 14 sa kanyang 21 points sa runaway third quarter nang rumolyo ang bisitang Chicago Bulls sa 120-100 panalo laban sa short-handed Houston Rockets.

Matapos na magmintis sa 5 of 7 shots at umiskor ng pitong puntos lamang bago ang halftime, pinangunahan ni LaVine ang mainit na third period para sa Bulls sa pagkamada ng 5 of 5 mula sa floor, kabilang ang tatlong 3-pointers.

Kumana siya ng 11 sunod na puntos para sa Chicago sa isang surge, at pinangunahan ang Bulls sa season-best 46-point frame

Nagposte si Wendell Carter Jr. ng Chicago ng double-double sa halftime at tumapos na may 18 points at 13 rebounds. Nag-ambag sina Coby White ng 24 points at 10 rebounds, Thaddeus Young ng 17 points at 8 rebounds, rookie Patrick Williams ng 14 points, at Tomas Satoransky ng 10.

HEAT 108,

THUNDER 94

Nagsalpak si Duncan Robinson ng anim na 3-pointers at pinangunahan ang  Miami Heat na may 22 points, sa 108-94 panalo kontra host Oklahoma City Thunder.

Nakopo ng  Heat ang ikatlong sunod na panalo at tumapos na may 4-3 marka sa kanilang seven-game road trip, para pantayan ang pinakamahabang trek sa franchise history.

Nagwagi ang Miami sa dalawang laro kontra Thunder upang walisin ang  season series.

JAZZ 132,

HORNETS 110

Tumapos si Donovan Mitchell na may 23 points at 8 assists at tatlong Utah teammates  ang umiskor ng hindi bababa sa 20 points bawat isa mula sa bench sa kanilang 132-110 panalo kontra Charlotte Hornets.

Umiskor sina Joe Ingles at Georges Niang ng tig-21, kung saan lahat ng kanilang puntos ay nagmula sa 14 3-pointers, at nagdagdag si Jordan Clarkson ng 20 points na may limang tres para sa Jazz na nagwagi ng 21 beses sa 23 games.

Nag-ambag sina Mike Conley (15 points, four 3-pointers), Mitchell (three triples) at Royce O’Neale (eight points, eight rebounds, and two treys) sa  Jazz na nagsalpak ng franchise-record 28 3-pointers sa 55 attempts.

Comments are closed.