ISINALPAK ni Harrison Barnes ang decisive basket, may 30.1 segundo ang nalalabi, para tulungan ang Sacramento Kings na itakas ang 123-120 panalo kontra bisitang Los Angeles Lakers noong Miyerkoles ng gabi (US time).
Nagbuhos si Buddy Hield ng 29 points, 6 rebounds at 6 assists para sa Sacramento na nagwagi sa ikalawang pagka-kataon pa lamang sa na-kalipas na 12 games.
Gumawa si De’Aaron Fox ng 23 points at nagbigay ng 8 assists bago na-foul out, umiskor si Barnes ng 20 points at nag-ambag si Richaun Holmes ng 16 points at 9 rebounds.
Tumipa si Dennis Schroder ng season highs 28 points at nine assists para sa Los Angeles na naglaro na wala si LeBron James sa unang pagkakataon ngayong season.
Napantayan ni Montrezl Harrell ang kanyang season high na 26 points at kumalawit ng 12 rebounds, habang nagposte si Kyle Kuzma ng season-best 25 points at 13 rebounds.
Nalasap ng Lakers ang ika-7 pagkabigo sa kanilang huling 10 laro at 3-6 lamang magmula nang ma-sideline si Anthony Davis (Achilles, calf).
BLAZERS 108, WARRIORS 106
Kumana si Damian Lillard ng isang 29-foot 3-pointer, may 14 segundo ang nalalabi, pagkatapos ay nakakuha ng charging foul kay Dray-mond Green upang mapigilan ang potential game-tying hoop sa huling 4.1 segundo, na naging tuntungan ng host Portland Trail Blazers para maungusan ang Golden State Warriors, 108-106.
Binigyan ni Green ang Golden State ng 106-103 kalamangan sa pamamagitan ng isang 3-pointer, may 1:43 ang nala-labi, bago umiskor si Lillard ng huling limang puntos ng laro.
Tinapyas ng dalawang free throws ni Lillard ang bentahe ng Portland sa isa, may 51.5 segundo sa orasan.
Tumapos si Lillard na may 22 points para mapantayan ang team-high honors ni Carmelo Anthony para sa Trail Blaz-ers, na nanalo ng dala-wang sunod matapos matalo ng apat na sunod.
Nagdagdag sina Robert Covington at Gary Trent Jr. ng tig-15 points, at nagtala si Enes Kanter ng 11 points at 14 re-bounds para sa Portland.
BULLS 128, PELICANS 124
Kumamada si Zach LaVine ng 36 points nang igupo ng bisitang Chicago Bulls ang New Orleans Pelicans, 128-124.
Naipasok ni LaVine, tumabo ng 46 points sa 129-116 victory kontra Pelicans noong Feb. 10, ang 12 sa 19 shots. Nag-dagdag si Coby White ng 25 points, umiskor si Thaddeus Young ng 18 at nag-ambag sina Patrick Williams ng 13 at Denzel Valentine ng 11.
Kumamada si Zion Williamson ng 28, at nagdagdag sina JJ Redick ng 22, Brandon Ingram ng 21, Josh Hart ng 13, Lonzo Ball at Eric Bledsoe ng tig-12 at Jaxson Hayes ng 10 para pangunahan ang Pelicans.
Sa iba pang laro, pinataob ng Dallas Mavericks ang Oklahoma City Thunder, 87-78; kinalawit ng Atlanta Hawks ang Or-lando Magic, 115-112; tinambakan ng Charlotte Hornets ang Minnesota Timberwolves, 135-102: namayani ang Indi-ana Pacers laban sa Cleveland Cavaliers, 114-111; pinulbos ng Detroit ang Toronto Raptors, 129-105; pinabagsak ng Brooklyn Nets ang Houston Rockets, 132-114; at hiniya ng Philadelph-ia 76ers ang Utah Jazz, 131-123.
Comments are closed.