LAKERS NAKAUNGOS SA CELTICS

lakers vs celtics

NAGBUHOS si Anthony Davis ng 27 points at 14 rebounds sa kanyang pagbabalik mula sa quad injury, umiskor si LeBron James ng 21 at nalusutan ng Los Angeles Lakers ang late rally ng host Boston Celtics upang itakas ang 96-95 panalo noong Sabado ng gabi.

Sumablay si Kemba Walker sa dapat sana’y game-winning shot para sa Celtics, may 2.7 segundo ang nalalabi, at nagmintis si Daniel Theis sa follow up.

Nagdagdag si Montrezl Harrell ng 16 points para sa Los Angeles, na pinutol ang two-game losing streak.

Tumipa si Jayson Tatum ng 30 points at nag-ambag si Jaylen Brown ng 28 para sa Boston, na nalasap ang ika-5 kabiguan sa huling pitong laro.

Isang three-point play ni Dennis Schroder ang nagbigay sa Lakers ng 96-89 panalo, ngunit dalawang  free throws ni Walker at  back-to-back buckets mula kay Tatum ang naglapit sa Celtics sa isang puntos, may 32.8 segundo sa orasan.

Nasupalpal ni Walker ang tira ni Davis, may 10.8 segundo ang nalalabi, subalit hindi nakakonekta para selyuhan ang resulta.

BLAZERS 123,

BULLS 122

Selyado ng isang fade away 3-pointer ni  Damian Lillard ang panalo ng Portland Trail Blazers kontra Chicago Bulls,  123-122. Tumipa ng kabuuang 44 puntos si Lillard kasama ang walong 3-pointers.

Kontrolado ng Bulls ang laro matapos na maglagay ng dalawang free throws si  Coby White  para sa 122-117 kalamangan sa huling 11.5 segundo ng labanan, ngunit agad nagpakawala ng 3-pointer si Lillard sa huling 8.2 segundo.

Buhat sa inbound, inipit ng  Blazers  si Zach LaVine sa sulok  na nagpuwersa sa isang jump ball sa huling  6.2 segundo.

Kasunod nito ay nakontrol ni  Gary Trent Jr. ang jump kontra LaVine, na nauwi sa looseball na siya namang nakuha ni Lillard at ipinukol.

HORNETS 126,

BUCKS 114

Binalikat ni LaMelo Ball ang  panalo ng Charlotte Hornets kontra Milwaukee Bucks, 126-114,   matapos itong magtala ng  career-high 27 points na may kasamang  9 assists at 4 steals.

Nakatuwang ni Ball  sina Gordon Hayward na nagbigay ng  27 puntos,

Malik Monk na may  18 at Cody Zeller na kumalawit ng career-best 15 rebounds para sa  Hornets,  na sinilo ang mga koponan ng  Pacers at  Bucks sa dalawang magkasunod na gabi.

Si  Giannis Antetokounmpo ay tumapos na may 34 puntos,  18 rebounds at 9  assists  para sa  Bucks.

ROCKETS 126,

PELICANS 112

Kumamada si  Christian Wood ng  27 puntos upang pangunahan ang Houston Rockets sa 126-112 panalo kontra New Orleans Pelicans.

Nagtala ng 20 puntos si Victor Oladipo habang si  John Wall naman ay nagdagdag ng 15 para sa Houston,  na nagposte ng 48.9% shooting.

Si Wood, na dating naglaro para sa  New Orleans  noong 2018-19 season, ay nagtala ng  11 of 13 shooting, kasama ang 3 of 4 buhat sa 3-point range.

Nagbuhos si Zion Williamson ng  26 piuntos para sa Pelicans,  ngunit hindi naging sapat upang isalba ang koponan.

Sa iba pang laro ay nagwagi ang Miami Heat kontra Sacramento  Kings, 105-104; minasaker ng Memphis Grizzlies ang San Antonio Spurs, 129-112: nanaig ang  Phoenix Suns laban sa Dallas Mavericks, 111-105 at namayani ang GSW kontra Detroit Pistons, 118-91.

Comments are closed.