NAGBUHOS si LeBron James ng 24 points, at gumawa sina Kyle Kuzma at Josh Hart ng tig-21 points nang igupo ng Los Angeles Lakers ang bumibisitang Minnesota Timberwolves, 114-110, sa NBA kahapon.
Nagdagdag si James ng 10 rebounds at 9 assists. Umiskor si Brandon Ingram ng 20 points para sa Los Angeles, na nagwagi sa ikatlong pagkakataon sa nakalipas na apat na laro.
Pinangunahan ng kanilang veteran backcourt, ang Wolves ay nakakuha ng 31 points mula kay Derrick Rose at 24 kay Jimmy Butler. Nanatiling walang panalo ang Minnesota sa home sa 0-7, at nalasap ang ika-4 na sunod na talo sa kabuuan.
Abante ng isang puntos, nagmintis ang Lakers sa tatlong tira, wala nang isang minuto ang nalalabi, dalawa sa 3-point attempts mula kay James. Napanatili ng Los Angeles ang possession sa pamamagitan ng offensive rebounds, at naisalpak ni Kuzma ang isang free throw para sa 112-110 kalamangan, may 9.2 segundo ang nalalabi.
SIXERS 100, PACERS 94
Umiskor si Joel Embiid ng 20 points at muntik nang magtala si Ben Simmons ng triple double upang pangunahan ang Philadelphia 76ers laban sa Indiana Pacers para sa kanilang unang road win ngayong season.
Tumipa si Simmons ng 16 points, 10 rebounds at 8 assists at pinutol ng Philadelphia ang five-game losing streak sa road. Winakasan din ng 76ers ang eight-game losing streak sa Bankers Life Fieldhouse magmula pa noong April 2013.
Nagposte si Victor Oladipo ng 24 points sa first half sa 10 of 16 shooting at tumapos na may season-high 36 points para sa Pacers. Nakakolekta si Domantas Sabonis ng 16 points at 11 rebounds.
THUNDER 95, CAVALIERS 86
Tumabo si Dennis Schroder ng season-high 28 points nang palitan si injured star Russell Westbrook at ginapi ng Oklahoma City Thunder ang Cleveland Cavaliers.
Na-sprain ni Westbrook ang kanyang left ankle noong Lunes, subalit nalusutan ng Thunder ang fourth-quarter run ng Cleveland sa kabila ng pagkawala ng two-time MVP upang makopo ang ika-6 na sunod na panalo makaraang simulan ang season sa 0-4.
Humabol ang Cleveland (1-10) sa 11-point deficit sa kaagahan ng fourth Quarter. Abante ang Oklahoma City sa 78-67 bago bumanat ang Cavaliers ng 13-0 run.
Naisalpak nina J.R. Smith at Kyle Korver ang tig-dalawang 3-pointers at umabante ang Cavaliers sa 80-78, may 7:02 ang nalalabi.
Sa iba pang laro, pinulbos ng Pistons ang Magic, 103-96; pinaso ng Heat ang Spurs, 95-88; at dinispatsa ng Knicks ang Hawks, 112-107002E
Comments are closed.