LAKERS PINISAK NG CELTICS

CELTICS vs LAKERS

NAGBUHOS si Jaylen Brown ng 40 points at kumalawit ng 9 rebounds upang pangunahan ang Boston Celtics sa 121-113 panalo laban sa Los Angeles Lakers noong Biyernes.

Tumapos si Brown na 17 of 20 mula sa field at sa isang punto ay naipasok ang 11 sunod na tira.

Ang Celtics, nagtapos na 3-0 sa trek at nakopo ang ika-5 sunod na panalo overall, ay hindi kailanman naghabol sa laro.  Nasa 27 points ang kalamangan sa kaagahan ng fourth quarter bago nakadikit ang Lakers.

Umiskor sina Boston’s Marcus Smart at Payton Pritchard ng tig-15 points. Nagdagdag sina Jayson Tatum at Tristan Thompson ng tig-14 points, at nagtala si Kemba Walker ng 12 points at 7 rebounds.

Naging starter kapalit ni Andre Drummond (bruised right big toe), naging mainit ang shooting night ni Lakers center Marc Gasol, kung saan tumapos siya na 4 of 6 mula sa 3-point arc at may kabuuang 18 points.

Nag-ambag si Talen Horton-Tucker ng 19 points, 7 assists at 6 rebounds.

Gumawa si Ben McLemore ng 17 points mula ss Los Angeles bench. Nakakuha ang Lakers ng 13 points mula kay Kyle Kuzma, 12 kay Montrezl Harrell at 10 kay Alfonzo McKinnie.

SUNS 122,

KINGS 114

Kumamada si Deandre Ayton ng 26 points sa 10 of 11 shooting at humugot ng 11 rebounds upang pangunahan ang  red-hot Phoenix Suns sa 122-114 panalo kontra bisitang Sacramento Kings.

Nagdagdag si Devin Booker ng 23 points para sa Phoenix na nanalo ng apat na sunod at ika-14 sa huling 16 games. Ang Suns (40-15) ay naging ikalawang NBA team na nagtala ng  40 panalo ngayong season, kasunod ng Utah Jazz (41).

Nakalikom si Chris Paul ng 13 points, 11 assists at 3 steals at nag-ambag sina Mikal Bridges at Jevon Carter ng tig- 13 points para sa Phoenix.

Nagposte si De’Aaron Fox ng 27 points at 8  assists, subalit nabigo ang  Kings upang pantayan ang kanilang season-worst losing skid na siyam na laro. Nagdagdag sina Buddy Hield ng 24 points at Delon Wright ng 16.

Umiskor si Harrison Barnes ng 14 points, at nag-ambag sina Tyrese Haliburton ng 12 at Hassan Whiteside ng 11 points at 10 rebounds para sa Sacramento, na naipasok ang 55.1 percent ng kanilang tira at 14 of 30 mula sa 3-point area.

WARRIORS 119,

CAVALIERS 101

Muling pinangunahan ni Stephen Curry ang Golden State Warriors sa pagkamada ng 33 points sa 119-101 panalo kontra host Cleveland Cavaliers.

Bagaman bahagyang nahirapan sa 3-point range (4-for-13 for the game), naitala ni Curry ang kanyang ika-9 na sunod na laro na may 30-plus points upang tulungan ang Warriors na makopo ang kanilang ika-4 na sunod na panalo at ika-5 sa nakalipas na anim na laro.

Bumalik si Collin Sexton mula sa dalawang larong pagliban dahil sa left groin strain at pinangunahan ang CaValiers na may 30 points. Sa kabila nito ay nalasap ng Cleveland ang ikatlong pagkabigo sa huling apat na laro.

Tumapos si Andrew Wiggins na may 23 points, 6 rebounds at 6 assists, at tumirada si Juan Toscano-Anderson ng career-high 20 points sa 8-of-9 shooting.

Sa iba pang laro ay umiskor si Jrue Holiday ng 23 points, nagposte si Brook Lopez ng double-double na 19 points at 12 rebounds, at ginapi ng bisitang Milwaukee Bucks ang Atlanta Hawks, 120-109.

5 thoughts on “LAKERS PINISAK NG CELTICS”

  1. 898574 805398Do you mind if I quote a couple of your posts as long as I supply credit and sources back to your web site? My blog is within the exact exact same region of interest as yours and my visitors would truly benefit from some with the info you give here. Please let me know if this ok with you. Thanks! 451486

Comments are closed.