LAKERS SA WC FINALS

Lebron

SA UNANG pagkakataon sa loob ng isang dekada ay pasok ang Los Angeles Lakers sa Western Conference Finals.

Naging mabilis ang simula ng Lakers at pagkatapos ay matikas na tinapos ang laro upang kunin ang 119-96 panalo sa Game 5, at sibakin ang Houston Rockets sa NBA playoffs.

Ang panalo sa Walt Disney World Complex ay naghatid sa  Lakers sa  Western Conference Finals sa unang pagkakataon magmula noong 2010 nang gapiin ng koponan, sa pangunguna ni late Kobe Bryant, ang Phoenix Suns at pagkatapos ay pinataob ang Boston Celtics para sa kampeonato.

Tumipa si LeBron James ng 29 points, 11 rebounds at 7 assists, habang nagdagdag si Anthony Davis ng  13 points, 11 boards, at 4  dimes para sa Lakers. Apat na iba pang players ang nagtala ng double-digits para sa LA, kabilang si Kyle Kuzma, na gumawa ng  17 points mula sa bench.

“The reason I wanted to be a part of this franchise is to take them back to a place they were accustomed to being. And that’s competing for a championship,” wika ni James.

“It’s an honor for me to wear the purple and gold, and for us to just try to continue the legacy and just play great basketball for our fans,” dagdag ni James, na maglalaro sa conference finals sa ika-11 pagkakataon sa kanyang career.

Isa itong wire-to-wire victory para sa Lakers. Kumarera sila sa 13-2 lead, at umangat sa 35-20 matapos ang opening frame.

Subalit bumawi ang Houston sa second quarter nang samantalahin ang turnovers ng Lakers, at 11 points lamang ang kalamangan, 62-51, sa half.

Lalong nag-init ang Lakers sa third quarter, kung saan na-outscore nila ang Houston 33-18. Lumobo ang kanilang kalamangan sa 30 points, 101-71, wala nang  11 minuto ang nalalabi mula sa three-pointer ni Rajon Rondo.

“Everything is falling into place. When I got here, the goal was to win a championship, and now we are eight wins away,” sabi ni Davis.

Walang sagot ang Houston sa opensa ng Lakers kung saan bumuslo ito ng 52.7% mula sa  field — kabilang ang 19-of-37 mula sa three-point range. Muling binugbog ng Lakers ang Rockets sa boards,  50-31.

Tumapos si James Harden na may 30 points sa 12-of-20 shooting, subalit naitala niya ang kalahati sa 12 turnovers ng Rockets. Si Jeff Green, may 13 points, ang isa pang Rocket na may double-digits.

“Tough season for us. Obviously, it didn’t end the way we wanted it to. So, we just got to figure it out,” ani Harden.

“It’s very, very frustrating. Especially the amount of work individually I put in,” he said. “But I’ve got to keep chipping away. I’ve got to keep going and keep going until I can’t go anymore.”

I feel like we’re a piece away, and we’ve just got to keep trying to figure it out. Keep trying to put the pieces around me and Russ to get us where we want to go,” dagdag pa ni Harden.

Makakasagupa ng LA ang mananalo sa isa pang semifinals series sa pagitan ng Los Angeles Clippers at ng Denver Nuggets. Angat ang Clippers sa series, 3-2.

Comments are closed.