NAGPASABOG si Anthony Davis ng 34 points at 11 rebounds upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa 109-103 panalo laban sa host San Antonio Spurs.
Tumipa si LeBron James ng 26 points, 11 rebounds, 10 assists at 2 steals para sa Lakers, na tinalo ang Spurs sa ikalawang pagkakataon sa tatlong araw.
Naitala rin nila ang 121-107 panalo sa San Antonio noong Miyerkoles sa likod ng 26 points ni James.
Nagdagdag sina Dennis Schroder ng 15 points at Kyle Kuzma ng 11 para sa Lakers. Kumalawit si Montrezl Harrell ng 11 boards para sa Los Angeles.
Nanguna si Keldon Johnson para sa Spurs na may 26 points, habang nakalikom si DeMar DeRozan ng 23 points, 9 rebounds at 7 assists. Nag-ambag sina Rudy Gay ng 15 points, Dejounte Murray ng 12 at Patty Mills ng 10.
BUCKS 126, BULLS 96
Nagbuhos si Giannis Antetokounmpo ng 29 points, 12 rebounds at 8 assists habang umiskor si Bryn Forbes ng 18 points nang gapiin ng host Milwaukee Bucks ang Chicago Bulls.
Umabante ang Milwaukee ng hanggang 32 points habang sumandal sa 22-of-45 accuracy mula sa 3-point range upang putulin ang two-game winning streak ng Bulls.
Pitong Bucks ang tumapos sa double figures — Khris Middleton (14 points) Bobby Portis (13), Pat Connaughton (11), Donte DiVincenzo (11) at Jrue Holiday (11). Nagdagdag si Portis ng 12 rebounds.
WIZARDS 130,
TIMBERWOLVES 109
Kumamada si Bradley Beal ng 31 points upang pangunahan ang Washington Wizards sa kanilang unang panalo sa season, kontra Minnesota Timberwolves.
Si Beal ay naging unang player sa franchise history na sinimulan ang season na may hindi bababa sa 25 points sa unang anim na laro ng koponan.
HAWKS 114, NETS 96
Kumabig si De’Andre Hunter ng 23 points at nagdagdag si Trae Young ng 21 points nang dispatsahin ng Atlanta Hawks ang Brooklyn Nets.
Pinutol ng Hawks ang six-game losing streak sa Brooklyn.
Nag-ambag si John Collins ng 20 points at 8 rebounds, tampok ang dalawang dunks sa fourth quarter.
Gumawa sina Clint Capela at Cam Reddish ng tig-12 points, at bumuslo ang Atlanta ng 46.2 percent mula sa field at nagsalpak ng 16 of 39 3-pointers.
DALLAS 93, HEAT 83
Kumana si Luka Doncic ng 27 points, 15 rebounds at 7 assists nang gibain ng host Dallas Mavericks ang Miami Heat.
Pinutol ng Dallas ang six-game losing streak sa Miami sa isang rivalry kung saan may split matchups ang dalawang koponan sa pares ng NBA Finals.
GRIZZLIES 108, HORNETS
Tumipa si Dillon Brooks ng 21 points nang pataubin ng kulang sa taong Memphis Grizzlies ang Charlotte Hornets.
Ang Grizzlies ay nagwagi sa unang pagkakataon na wala si Ja Morant, na hindi makapaglalaro ng isang buwan makaraang magtamo ng ankle injury nitong linggo.
Tumapos si Kyle Anderson na may 18 points at 11 rebounds, nagdagdag si Brandon Clarke ng 15 points at umiskor sina Jonas Valanciunas at Gorgui Dieng ng tig- 14 points para sa Memphis.
Comments are closed.