LAGUNA – PATAY na nang madala sa pagamutan ang isang 32-anyos na lalaki matapos mahagip ng tren sa Brgy. San Antonio, Los Baños.
Ayon sa ulat ni PLt. Col. Louie Dionglay, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Bobby June Benegas, ng Purok 5, Sitio Pag-asa ng nasabing lugar.
Aas- 9:00 ng gabi base sa resulta ng pagsisiyasat ni PSSg. Alvin Jade Apolinario, may hawak ng kaso, nang hindi inaasahang maganap ang naturang insidente.
Sinasabing aktong papatawid ang biktima sa lugar habang asakay kanyang bisikleta nang aksidente itong mahagip ng paparating na PNR Train patungo sa Lungsod ng Calamba na minamaneho ng isang Dennis Capus, 40, residente ng Mayhaligue St. Tondo, Manila.
Dahil dito, nakaladkad pa nang malayo ang biktima habang hawak pa nito ang kanyang bisikleta kung saan nagtamo ito ng maraming sugat sa kanyang ulo at katawan.
Samantala, mabilis naman na isinugod ng mga residente sa lugar ang biktima sa Bay District Hospital kung saan minalas na binawian din ito ng buhay makalipas ang mahigit na kalahating oras.
Kaugnay nito, kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa ng pulisya sa piskalya laban sa suspek na si Capus. DICK GARAY
Comments are closed.