LALAKI PINAGBABARIL SA EDSA, 2 PATAY

pinagbabaril

MANDALUYONG CITY – TATLONG lalaki na lulan ng van ang pinagbabaril nang tumakas na salarin sa panulukan ng Edsa at Reliance Street kahapon.

Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority naganap ang insidente alas-3:20 ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang tinamaan ng bala na sina Allan; Ronnie Marqueta; at Esmeralda Ignacio, 38-anyos, na sakay ng kulay puting SUV na may plakang NOS 361.

Lulan naman ng motorsiklo ang namaril sa tatlo.

Samantala,  bago mag-alas-5 kahapon ay may ulat mula sa Mandaluyong City Police na ang dalawa sa tatlong biktima ay nasawi. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.