LALAKI TIKLO SA LOOSE FIREARM AT GRANADA

PAMPANGA – ARESTADO ng mga operatiba ng Regional Mobile Force Battalion ng PNP ang isang lalaki dahil sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril, granada at iba’t ibang uri ng mga bala ng baril sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Sta. Lucia sa bayan ng Magalang sa lalawigan ng Pampanga kamakalawa ng umaga.

Sa report na tinangap ni PNP Regional Director PBGen. Redrico A Maranan kinilala ang suspek na si  alyas Lupin, 49 anyos, residente sa nabangit na lugar.

Ayon kay P/Maj. Rayan Casupanan, napasok ng mga awtoridad ang bahay ni Lupin, sa pamamagitan ng Search Warrant No. 24-374, na inisyu ni  Hon. Eda P. Dizon, Executive Judge ng Branch 60, Regional Trial Court (RTC), Third Judicial Region, sa Angeles City.

Kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10591, Section 28 (Comprehensive Firearm and Ammunition Regulation Act.

Nakuha sa bahay ng suspek ang isang Cal .45 pistol Mark VI Seattle W.A.na may magazine at 6 na live ammunition ,2 magazine assemblies na may 13 rounds ng live ammunition para sa Cal. 45.

Isang kahon ng Armscor na may 41 rounds ng Cal. 45, isang Thunder Cal. 380 Bersa pistol na may  magazine at 7 bala, magazine assembly para sa Cal. 380  na puno ng bala.

Sa paghahalughog ng mga pulis nakarecover din sila ng 1 pang kahon na may 31 rounds para sa Cal. 45 ammunition, 29 na bala ng Cal. 380 at isang M69 fragmentation hand grenade at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala detenido ngayon ang suspek sa Angeles City Jail.

THONY ARCENAL