BALIK-AKSIYON si LeBron James at nagbuhos ng 24 points upang tulungan ang Los Angeles Lakers sa 123-120 overtime win laban sa host Los Angeles Clippers noong Huwebes ng gabi.
Napantayan din ni James, hindi nakapaglaro sa naunang 17 games dahil sa groin injury na kanyang natamo sa Christmas night win kontra Golden State Warriors, ang kanyang season-high 14 rebounds at nagbigay ng 9 assists sa 40 minutong paglalaro.
Natumbasan naman ni Lance Stephenson ang kanyang career high na limang 3-pointers sa walong pagtatangka at umiskor ng 20 points mula sa bench para sa Lakers. Nagdagdag si Brandon Ingram ng 19 points, at tumipa si Rajon Rondo ng 14 points, 13 rebounds at 7 assists para sa Lakers.
Gumawa si Lou Williams ng 24 points mula sa bench upang pangunahan ang Clippers, na nagwagi sa 22 sa kanilang naunang 25 matchups laban sa Lakers. Tumipa si Patrick Beverley ng 17 points at 8 rebounds, at nagposte sina Tobias Harris at Montrezl Harrell ng tig-15 points.
76ERS 113, WARRIORS 104
Naitala ni Joel Embiid ang 11 sa kanyang 26 points sa third quarter nang hiyain ng Philadelphia ang Golden State sa Oakland, Calif.
Ang panalo ay pumutol sa 10-game losing streak ng 76ers laban sa Warriors mula pa noong 2013-14 season. Tinapos din nito ang 11-game win-ning streak ng Golden State ngayong season.
Nakumpleto ni Embiid ang double-double na may game-high 20 rebounds habang nag-ambag si Ben Simmons ng 26 points, 8 rebounds at 6 assists para sa Philadelphia.
Nagpasabog si Stephen Curry ng Golden State ng game-high 41 points, sa pagsalpak ng 10 3-pointers, at kumamada si Kevin Durant ng 25 points.
Sa iba pang laro ay nasingitan ng Pistons ang Mavericks, 93-89;
kinatay ng Bucks ang Raptors, 105-92; giniba ng Magic ang Pacers, 107-100; at ginutay ng Spurs ang Netes, 117-114.
Comments are closed.