SA IKA-5 sunod na taon ay si Los Angeles Lakers forward LeBron James ang highest-paid player sa NBA na may $88.7 million na kita, kabilang ang $53 million sa labas ng court, ayon sa Forbes list na inilathala noong Martes.
Sumusunod kay James sina Golden State Warriors teammates Stephen Curry ($79.5 million), Kevin Durant ($65 million), Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook ($53.7 million) at Houston Rockets guard James Harden ($47.4 million).
Ang non-salary income ni James ay kinabibilangan ng endorsement deals sa Nike, Coca-Cola at Beats By Dre.
Mayroon ding siyang Hollywood production company, ang SpringHill Entertainment, at investment sa isang pizza company.
Sa pagtaya ng Forbes, ang net worth ni James ay nasa $450 million.
Ang NBA’s top 10 earners ay inaasahang kikita ng $540 million ngayong 2019 mula sa salaries, endorsements, appearances, royalties at media deals.
Ayon sa Forbes, mas mataas ito ng $180 million sa top 10 earners, limang taon pa lamang ang nakalilipas.
Comments are closed.