NAIBENTA sa isang auction sa halagang $1.8 million ang bihirang LeBron James trading card.
Ayon sa Yahoo Sports, ang bentahan sa Goldin Auctions ay halos doble ng naunang record para sa modern-day card na $923,000 na naitala noong Mayo para sa isang card ni Los Angeles Angels star Mike Trout.
Gumawa lamang ang Upper Deck ng 23 kopya ng partikular na card na ito, na pinirmahan ni James sa kanyang 2003-04 rookie season sa Cleveland Cavaliers.
“The card was in ‘gem mint’ condition with a 9.5 grade (out of 10),” ayon sa Beckett Publications.
Sa card ay binili ni collector Leore Avidar, sabi ni Darren Rovell ng Action Network.
Comments are closed.