Standings W L
Benilde 8 2
LPU 8 3
Letran 8 3
JRU 5 2
San Beda 6 3
Arellano 4 6
Perpetual 4 6
SSC-R 3 5
Mapua 2 9
EAC 1 10
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – San Beda vs Perpetual
3 p.m. – Mapua vs EAC
LUMAYO ang defending two-time champion Letran sa huling dalawang minuto upang pataubin ang Arellano University, 65-53, at sumalo sa ikalawang puwesto sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Isang three-pointer ni King Caralipio sa 4:01 mark ang nagpalobo sa kalamangan ng Knights sa 53-45 nang humabol ang Chiefs at tinapyas ang deficit sa 53-55 sa drive ni Cade Flores.
Umatake si Brent Paraiso sa huling 1:46, umiskor ng 6 points sa 10-0 run ng Letran upang hilahin ang kanilang winning run sa limang laro.
Ginawa ng 6-foot-2 na si Caralipio, nagposte ng double-double outing na 13 points at 13 rebounds, ang hustle work na nais ni coach Bonnie Tan para sa Knights.
“Doon po ako nagagamit simula noong na-lineup ako. Trabaho ko po iyon. ‘Yun ang role na ibinigay sa akin, ‘yung rebound, defense. Kaya kahit hindi ako nakakapuntos, nasa loob pa rin ako,” sabi ni Caralipio.
Naitala ng Letran ang ika-8 panalo sa 11 laro at nakatabla ang walang larong Lyceum of the Philippines University sa ikalawang puwesto at nanatili sa likod ng league-leading College of Saint Benilde (8-2).
Makaraan ang masalimuot na kampanya nang hindi maglaro sina Paraiso at Mark Sangalang dahil sa suspensiyon, ang Knights ay bumabalik na sa kanilang dating porma.
“Malaki po. Kumbaga po, tuloy-tuloy po ‘yung panalo namin. ‘Yung momentum po, nandoon kaya malaking bagay po sa next game po namin para malaki ang kumpiyansa namin,” sabi ni Caralipio.
Nagdagdag si Fran Yu ng 12 points, 6 rebounds, 5 assists at 2 steals habang nagsalansan si Paraiso ng 10 points, 5 boards, 3 assists at 3 steals para sa Knights.
Naiganti ng Letran ang 69-72 loss sa Arellano sa kanilang unang pagtatagpo sa season.
“Kasi sa first round kasi, sila ‘yung tumalo sa amin at naputol ang 14 straight na panalo namin simula noong 2019. Nagsisi talaga kami lahat doon, ‘Yung mga beterano, nag-usap kami para bawian sa second round. Kaya ayun, naglabas naman ng biyaya at nanalo kami,” sabi ni Kurt Reyson, nag-ambag ng 8 points, 4 boards at 3 assists.
Tumipa si Cade Flores ng 15 points at 12 rebounds upang pangunahan ang Chiefs.
Nahulog ang Arellano sa 4-6 at nakatabla ang University of Perpetual Help System Dalta sa sixth spot.
Iskor:
Letran (65) — Caralipio 13, Yu 12, Paraiso 10, Reyson 8, Javillonar 7, Sangalang 6, Santos 4, Monje 2, Olivario 2, Ariar 1, Tolentino 0, Go 0, Guarino 0.
Arellano (53) — Flores 15, Abastillas 8, Mallari 7, Doromal 6, Menina 5, Oliva 4, Oftana 3, Mantua 3, Sunga 2, Tolentino 0, Talampas 0.
QS: 14-15, 26-33, 43-39, 65-53.