Standings W L
*Letran 12 3
Benilde 10 4
LPU 10 5
San Beda 10 5
SSC-R 6 7
JRU 6 8
Arellano 6 9
Perpetual 6 9
Mapua 6 10
EAC 2 14
*Final Four
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – JRU vs Perpetual
3 p.m. – SSC-R vs LPU
NAISAKATUPARAN ng Letran ang unang hakbang nito para makumpleto ang three-peat — ang pag-usad sa Final Four kasunod ng 84-77 pagdispatsa sa sibak nang Emilio Aguinaldo College sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Naitala ni King Caralipio ang 12 sa kanyang 16 points sa payoff period para sa Knights na nahila ang kanilang season-high winning streak sa siyam at umangat sa 12-3 overall makaraang malusutan ang matikas na pakikihamok ng Generals.
“First half, talagang nag-struggle kami sa offense namin at sa defense,” sabi ni Caralipio, na kumalawit din ng 11 rebounds. “Kaya ang sabi namin sa dugout, kailangan namin na mas maging composed, kailangang maging doble ang effort para makuha ang panalo na ito.”
Naghahabol ng 8 points matapos ang unang 10 minuto ng laro, na-outscore ng EAC ang Letran, 46-35, sa dalawang middle quarters bago nagpasabog ang defending champions ng 24 points sa final period.
“Kasi noong first half, nag-tao sila sa amin tapos nag-adjust sila, nag-sona kaya doon kami nahirapan. Kaya hindi kami maka-convert ng offense namin,” ani Caralipio. “Tapos noong second half naman, nag-adjust naman kami sa ginawa nila. Nag-adjust din kami para maka-convert sa offense namin.”
Sa ikalawang laro ay pinataob ng San Beda ang last season’s runner-up Mapua sa Final Four contention sa 71-63 panalo.
Balik sa Final Four sa ikatlong sunod na season, nalusutan ng Knights ang biglang pag-alis ni MVP Rhenz Abando at ang pagkukumahog sa kaagahan ng season kung saan sinuspinde sina Louie Sangalang at Brent Paraiso ng dalawang laro.
Nagdagdag si Kurt Reyson ng 14 points, 5 assists at 4 boards, habang nakalikom si Fran Yu ng 10 points, 5 steals, 5 assists at 3 boards para sa Letran. Si Sangalang ang isa pang player na umiskor ng double digits para sa Knights na may 10 points.
Nagbuhos si James Kwekuteye ng 25 points para sa Red Lions na umangat sa 10-5.
Sa panalo ay tumabla ang San Beda sa walang larong Lyceum of the Philippines University sa third place, naghahabol sa second-running College of Saint Benilde (10-4) ng kalahating laro lamang sa karera para sa twice-to-beat Final Four incentive.
Nagposte si Warren Bonifacio ng 21 points at 7 rebounds para pangunahan ang Cardinals, na sibak na sa kontensiyon sa Final Four sa kanilang ika-10 kabiguan sa 16 laro. Ang pagkatalo ng Mapua ay naglaglag din sa Arellano University at University of Perpetual Help System Dalta, kapwa may 6-9 marka, mula sa Final Four hunt.
Iskor:
Unang laro:
Letran (84) — Caralipio 16, Reyson 14, Sangalang 10, Yu 10, Paraiso 8, Tolentino 7, Javillonar 5, Santos 4, Ariar 3, Olivario 3, Go 2, Monje 2, Guarino 0.
EAC (77) — Cosejo 21, Tolentino 17, Luciano 16, Dominguez 10, An. Doria 4, Quinal 4, Ad. Doria 3, Balowa 2, Angeles 0.
QS: 25-17, 38-41, 60-63, 84-77
Ikalawang laro:
San Beda (71) — Kwekuteye 25, Sanchez 11, Ynot 9, Andrada 7, Cortez 5, Cuntapay 5, Visser 4, Bahio 2, Cometa 2, Alfaro 1, Payosing 0, Penuela 0.
Mapua (63) — Bonifacio 21, Pido 13, Hernandez 12, Nocum 7, Salenga 4, Mercado 2, Cuenco 2, Soriano 2, Garcia 0, Agustin 0, Lacap 0.
QS: 19-16, 39-34, 52-45, 71-63.