(LGU guidelines hinihintay pa) SINEHAN SA MALLS SARADO PA

sine

ILANG malls sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine ang nagpasiyang ipagpaliban ang muling pagbubukas ng kanilang mga sinehan habang hinihintay ang approval at guidelines mula sa local governments.

Ito ay sa kabila ng memorandum mula sa Department of Trade and Industry (DTI) na nagpapahintulot sa mga sinehan na mag-accommodate ng hanggang 25 percent seating capacity simula kahapon, Marso 5.

Kabilang sa mall operators na hindi pa nagbukas ng kanilang mga sinehan ang Ayala Malls, SM Supermalls, Araneta City, at Robinsons.

“In as much as we do want to reopen our cinemas to welcome the movie-going public once again, we regret that we will not be able to do just yet as we are still waiting for the approval of the LGUs where Ayala Malls Cinemas are located,” pahayag ni Charmaine N. Bauzon, head ng Ayala Malls Cinemas, sa CNN Philippines.

“Until such time we receive formal advice from the city mayors, our cinemas shall remain closed,” dagdag ni Bauzon.

Sa isang statement ay sinabi naman ni Steven Tan, presidente ng SM Supermalls, na, “SM Cinemas will work closely with the LGUs on our reopening. We are prepared to open with strict safety standards for all customers.”

“Araneta City is waiting for guidelines from and approval of the QC (Quezon City) government. But we have already put in place safety protocol inside our cinemas in preparation for our reopening,” ayon naman sa Araneta City.

Pahayag naman ng Robinsons, “We are not yet opening today. We will follow DOH-IATF (Department of Health and Inter-Agency Task Force) guidelines and [wait for] final LGU approval for cinema operations.”

Comments are closed.