LIFESTYLE CHECK ‘DI BASEHAN NG PANGHUHUSGA SA GOV’T OFFICIAL

HINDI maaaring maging batayan ang lifestyle check para husgahan ang isang kawani o opisyal ng pamahalaan.

Ito ang tugon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa pahayag ni Senadora Risa Hontiveros na isalang sa lifestyle check ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na isinasangkot sa “pastillas scheme”.

Ayon kay Guevarra, posibleng ang matuklasan lamang sa lifestyle check ay indikasyon na may unethical na gawain ang isang public servant, ngunit hindi  ito maaaring maging sapat na ebidensya.

Gayunman, nilinaw ng kalihim na suportado niya ang rekomendasyon ni Hontiveros laban sa mga tiwaling kawani ng Immigration.

Magugunitang naging maugong ang tungkol sa “pastillas scheme” kung saan naniningil ng P10,000 bilang service escort ang ilang tauhan ng Bureau of Immigration sa mga dumarating na Chinese sa airport. DWIZ882

Comments are closed.