MAY kabuuang 32,000 residente ng Marawi City ang nakatakdang tumanggap ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng P20,000 kada pamilya sa unang linggo ng Abril, ayon kay Task Force Bangon Marawi (TFBM) chairperson Eduardo del Rosario.
Sinabi ni Del Rosario na ang mga residente ng pinakaapektadong lugar sa Marawi ay tatanggap ng karagdagang P53,000 halaga ng financial aid.
“On April 6 and 7, we are going to start giving the livelihood and transitional package of assistance to all residents of Marawi,” ani Del Rosario.
“As of now, based on our profiling, there are 32,000 qualified residents. All these 32,000 residents will be giv-en PHP20,000 (worth of) livelihood assistance,” aniya.
Pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagkakaloob at pamama-hagi ng livelihood assistance sa mga residente ng Marawi.
Sa pagtaya ng pamahalaan, ang bilang ng mga residente na na-displace sa Marawi siege noong 2017 ay nasa 200,000.
Comments are closed.