INILUNSAD ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isang e-commerce platform na tinawag na DELIVER-e kung saan maaaring bumili ang mga customer ng mga sariwang prutas, gulay at iba pang may agricultural products online mula sa mga magsasaka.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, layon ng ahensiya na gamitin ang e-commerce para suportahan ang mga magsasaka at MSMEs.
Ang platform, na itinayo sa partnership ng Department of Agriculture (DA) at ng USAID, ay nakapagbenta na ng 260 metric tons ng mga gulay at prutas na may kabuuang halagang P7.15 million.
“By connecting farmers directly to buyers, DELIVER-e is seen to cut inefficiencies from traditional selling, which in turn “would double the income of farmers as it lowers the prices of fresh produce,” sabi pa ni Lopez.
Hinihikayat din ng DTI ang mga Pinoy na tangkilikin ang local products upang suportahan ang MSMEs sa pamamagitan ng huling dalawang “Bagsakan” trade fairs nito para sa taon sa pag-order ng local goods online.
Ayon kay Marievic Bonoan, DTI director for Bureau of Domestic Trade Promotion, ang 28 Bagsakan events ng DTI ay nakapagbenta na ng mahigit sa P14 million na halaga ng goods.
Ilan sa best selling products sa nasabing fairs ang Guimaras at Bataan mangoes, food and essential products, at hand-crafted accessories tulad ng mga sapatos at bag.
Comments are closed.