‘LOCALIZED’ LOCKDOWNS PARA SA MGA NEGOSYO PWEDE NA

SISIMULAN na ang “loca­lized lockdowns” sa mga capital cities ng bansa sa September 8, ngayong medyo maluwag na ang gobyerno sa COVID-19 restrictions sa gitna ng kahi­lingan ng mga negos­yante sa bansa.

Ang Metro Manila, tahanan ng 13 milyong katao, ay sumailalim sa mas mahigpit na community quarantine res­trictions mula pa noong August 6 upang maiwasan ang paglaganap ng mapaminsalang delta variant. Nagpatupad ang gobyerno ng stay-at-home orders, habang ang mga negosyong tulad ng salons at gyms ay pwersahang ipinasara, habang ang mga restaurants naman ay limitado na lamang sa delivery service.

Ang nasabing mga restrictions ay pansa­mantalang binawi sa panahon ng “general community quarantine,” bagong classification para sa Metro Manila, simula September 30, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque. Localized lockdowns na lamang daw ang ipatutupad sa Metro Manila.

Ayon sa Department of Health, ang reported daily infection tally ay umabot sa record na  22,415, ang ikaapat na magkakasunod na araw na ang mga kaso ay umaabot sa 20,000 at hi­git pa. Dahil dito, umaabot na sa 2.1 million ang mga kaso ng Covid, at 34,337 na ang namamatay. Inireport din ng departamento na tumaas ang kaso sa Metro Manila sa nagdaang pitong araw.

Ani Roque, ilalabas na ang guidelines para sa localized lockdown ngayong linggong ito. “The granular lockdown does not have to be an entire village. It can be a street. It can be a house. It can be a community,” ani Roque. “It will literally be a complete lockdown if you are subject to granu­lar lockdown. Even the food will be delivered to areas covered by gra­nular lockdown,” dagdag pa niya.

Napilitan ang pamunuan ni President Rodrigo Duterte na i-relax ang restrictions dahil sa tindi ng tama nito sa ekonomiya ng bansa, lalo pa ngayong papalapit na ang eleksyon 2022. Plano ni Duterte na tumakbong vice president sa susunod na eleksyon.

Umapela rin ang mga negosyante sa mas mahabang lockdowns.

“Ang COVID-19 pandemic ay pharmaceutical problem, habang ang lockdown ay militaristic solution. Nasira ang ekonomiya natin matapos ang sunud-sunod na lockdowns, pero tuloy pa rin ang paglaganap ng COVID,” pahayag ni Philippine Chamber of Commerce and Industry acting President Edgardo Lacson.

Isinulong din ni Trade Secretary Ramon Lopez ang targeted lockdowns, habang nanawagan naman ang economic adviser for entrepreneurship ni Pres. Duterte na si Joey Concepcion, na luwagan ang restrictions sa mga taong nabakunahan na.

“Sa ilalim ng granular lockdown, papayagan ang mga negosyong mag-operate base sa guidelines, na may res­trictions,” ani Lopez.

Ayon naman kay Nicholas Antonio Mapa, senior economist ng ING Bank Manila, dahil sa granular lockdown, posibleng magkaroon ng recession, na posibleng mas lumala pa sa full-blown depression, tulad ng nangyari noon sa America.

Hindi pa alam kung gaano katindi ang epek­to ng ng lockdown sa ekonomiya ng bansa habang lumalaganap pa rin ang Covid 19 virus sa bansa. — KAYE NEBRE MARTIN

3 thoughts on “‘LOCALIZED’ LOCKDOWNS PARA SA MGA NEGOSYO PWEDE NA”

  1. 475719 392205Hey really good weblog!! Man .. Beautiful .. Amazing .. I will bookmark your web site and take the feeds alsoIm satisfied to seek out numerous helpful information here inside the post, we require develop more techniques on this regard, thanks for sharing. 283515

Comments are closed.