IKINALUGOD ng ilang mambabatas at maging si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang nakatakdang pagkakatalaga kay Philippine Ambassador to the United Nations Teddyboy Locsin bilang bagong Department of Foreign Affairs (DFA) secretary.
Si Locsin ang papalit kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na tatakbo sa pagkakongresista ng Taguig City.
Ani Del Rosario, nababagay si Locsin bilang DFA secretary dahil sa taglay nitong credentials.
Partikular na tinukoy nito ay ang pagiging abugado, mamamahayag, negosyante, politiko at diplomat ni Locsin na napakatalino, articulate at independent-minded.
Pinuri naman nina Senate President Vicente Sotto III, Senators JV Ejercito, Ralph Recto at Loren Legarda ang nakatakdang appointment ni Locsin sa DFA portfolio.
Maging ang mga miyembro ng diplomatic community ay nagpahayag ng mainit na pagtanggap kay Locsin bilang foreign affairs secretary ng Filipinas.
Comments are closed.