LAGUNA – NASAKOTE ng mga kagawad ng Binan City PNP Drug Enforcement Unit (DEU) ang 60-anyos na lola kabilang ang isa pang buntis at dalawa pang kapitbahay nito matapos maaktuhang na nagpa-pot session sa Bgy. Malaban, Binan City kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni Binan City PNP Chief Lt. Col. Danilo Mendoza kay Laguna PNP Provincial Director Col. Serafin Petalio II, nakilala ang mga naarestong sina Lola Agnes Capunitan, buntis na si Marites Mendoza, 33-anyos at kapitbahay na sina Aldrin Pili, 51anyos, at isang Charlie Mendoza, 56-anyos, pawang mga residente ng Wawa St. ng nabanggit na lugar.
Dakong alas-2:55 ng hapon nang ikasa ang surveillance operation ng mga tauhan ni Mendoza sa nasabing lugar matapos makarating sa mga ito ang impormasyon kaugnay ng nagaganap na pot session.
Sinalakay ang nasabing safehouse ng mga suspek na kung saan naaktuhan ng awtoridad ng humihithit ang mga ito ng shabu at hindi inaasahang kabilang sa mga ito ang isang lola at isang buntis.
Nakumpiska sa mga suspek ang anim na small plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias na nahaharap sa kasong RA-9165. DICK GARAY
Comments are closed.