KILALA natin siya bilang Lotlot de Leon, anak nina Superstar Nora Aunor at classic actor Christoper de Leon, asawa ng sikat na actor na si Ramoncito Gutierrez, manugang ng sikat na singer na si Pilita Corales, at ina ng napakagandang aktres na si Janine Gutierrez.
Pero may sariling identity si Lotlot. Siya si Charlotte Jennifer de Leon-El Soury, isinilang bilang Charlotte Jennifer de Leon noong February 16, 1971 na kilala professionally bilang Lotlot de Leon, isang mahusay at premyadong Pilipinang aktres.
Sa gitna ng lockdown, quarantine, travel restrictions, at pagsasara ng napakaraming negosyo sa bansa, muling pinatunayan ni Lotlot na kayang kaya niyang umangat bilang negosyante sa pamamagitan ng kanyang Lotlot’s Ready to cook ulam online. Akalain ninyong kahit pala maagang nag-asawa si Lotlot at lumaki rin naman sa pamilyang may sinasabi, natuto pala siya sa kusina, na siya niya ngayong ginagamit para kumita – dahil nga mahina ang movie production sa panahong ito.
Dahil lahat nga tayo ay na-lockdown, isa sa mga napagtuunan ng pansin ni Lotlot bilang libangan ang home cooking, hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi sa extended family na rin. Nagustuhan nila ang luto ng anak ng superstar, kaya umabot ito sa iba pang kamag-anak at kaibigan sa tulong ng social media, at ngayon, pati ang mga kaibigan ng kaibigan nila ay nag-o-order na rin.
Kung superstar si Nora Aunor bilang artista, aba, superstar na rin ngayon si Lolot – sa kusina! Sikat na sikat na ang Lotlot’s bopis, Lotlot’s Barbecue at kung anu-ano pang recipe ng ulam na sa bahay mo lamang matitikman.
May vlog na rin si Lotlot na nagpe-feature ng kanyang mga specialties, na inaabangan naman ng mga netizen.
“Mahirap, mabusisi at matagal magluto ng mga Pinoy dishes,” ani Lotlot, “pero sulit naman kapag maraming nag-o-order. Satisfied daw naman ang mga customer ko kaya nga madalas silang mag-order.”
Sa totoo lang, nahirapan din raw ng konti si Lotlot noong nagsisimula pa siya sa online selling ng lutong pagkain at ready to cook food. Maswerte lang daw siya dahil marami silang kamag-anak at kaibigan, at ang mga kaibigan naman nila ay marami ring kaibigan. Sa ngayon, umiikot ang negosyo ni Lotlot sa circle of friends ng pamilya at sa iba pa nilang kakilala. Sa paraan naman ng pagbabayad, ginagamit ni Lotlot ang GCash, bank transfer o Paypal.
Naging popular ang home cook order sa praktikal na dahilan. Una, pamilyar ang pagkain, pangalawa at higit sa lahat, mas nakakatipid sa oras at badyet. Kung tutuusin, mas mataas lamang ito ng kaunti sa badyet natin sa ilulutong ulam, at kung isasama sa kwenta ang pagod sa pagluluto at gastos sa panggatong, baka mas nakatipid ka pa. Bukod dito, mas murang mag-order sa home cook kesa restaurant dahil presyo lamang talaga ng pagkain ang dinaragdagan ng konting tubo. Wala silang binabayarang renta sa lugar, word of mouth lamang ang advertising, walang service charge, walang mamahaling kitchen tools, hindi rin kailangan ang maraming katulong. Wala ring binabayarang bank loans at taxes. Sa negosyo ni Lotlot, sapat na sa kanya ang mayroon siyang mapaglilibangan at kumita ng kaunti sa pagbili ng mga sangkap at panggatong. Hindi niya inaasahang dahil dito ay sisikat siya at magiging superstar ding tulad ng kanyang ina – sa ibang level lang nga. Sa kusina. — NVILLAFANIA
644517 338790Register a domain, search for available domains, renew and transfer domains, and choose from a wide variety of domain extensions. 528502
413807 855561Thanks for this great post! It has long been very beneficial. I wish that youll carry on posting your wisdom with us. 912110
762517 844088As I web site possessor I believe the content matter here is rattling amazing , appreciate it for your efforts. You ought to keep it up forever! Very best of luck. 565068
292467 77274Your blog is one of the greater blogs Ive came across in months. Thank you for your posts and all of the finest together with your function and weblog. Looking forward to reading new entries! 170142
Hello, you used to write great, but the last few posts have been kinda boring? I miss your tremendous writings. Past few posts are just a little bit out of track! come on!
I have observed that car insurance providers know the autos which are prone to accidents along with risks. Additionally they know what sort of cars are susceptible to higher risk along with the higher risk they may have the higher the actual premium amount. Understanding the uncomplicated basics connected with car insurance will assist you to choose the right sort of insurance policy which will take care of the needs you have in case you happen to be involved in an accident. Thank you for sharing your ideas on your blog.
Hello there, I found your web site via Google while looking for a related topic, your website came up, it looks great. I have bookmarked it in my google bookmarks.
Thank you for the auspicious writeup. It in fact was a amusement account it. Look advanced to far added agreeable from you! However, how could we communicate?
Excellent web site. A lot of useful info here. I am sending it to a few friends ans also sharing in delicious. And of course, thanks for your sweat!