ITINULOY ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagbola para sa kanilang lotto games nitong Lunes, bunsod na rin ng pagbuti na ng lagay ng panahon.
Matatandaang una nang inianunsiyo ng PCSO na kanselado ang kanilang lotto draw nitong Nobyembre 1 at 2 dahil sa pananalasa ng super bagyong Rolly.
Dahil naman sa pinakahuling weather forecast ng PAGASA na nagsasaad nang paghina at paglabas na ng Philippine Area of Responsibility ng bagyong Rolly, ay nagdesisyon silang ituloy na ang lottery draw nitong Lunes, Nobyembre 2.
“The PCSO shall resume the conduct of Lottery Draws on Monday, 02 November 2020. Catch-up draws for the games covered by the suspension on 01 November 2020 shall likewise be held at 12:30 p.m. and may be viewed at PTV4’s and PCSO’s official Facebook page and other social media accounts,” anang PCSO sa isang paabiso.
Inihayag naman ng PCSO na ang pagbebenta ng mga tiket ay nagpapatuloy sa lahat ng kanilang operational Lotto Outlets, alinsunod sa umiiral na IATF at LGU rulings at ordinances.
Kaugnay nito, hinihikayat ni PCSO general manager Royina Garma ang publiko na tangkilin pa ang PCSO games upang makalikom sila ng pondong gagamitin sa pagtulong sa mga taong nangangailangan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.