LOVI POE BANTAY-SARADO ANG BOYFRIEND

MARAMING netizens ang nakapansin na blooming ang beauty ni Lovi Poe mulaThe point nang ma-involve siya sa rumored boyfriend na si Montogomery Bloncowe, ang pamoso at simpatikong  Hollywood producer na nagprodyus ng mga pelikulang The Prince, Heist, Marauders at Escape Plan II.

Katunayan, marami ang nakapansin na mas focused ang actress sa kanyang lovelife kaysa career.

Sey pa ng netizens, tila mas enjoy raw ito sa pagliliwaliw kasama ang dyowa kaya raw hindi na nito priority ang kanyang karera.

May mga nagsasabing good boyfriend material din daw si Monty kaya bantay-sarado ito ng Kapuso actress at ayaw nang pakawalan pa.

Kamakailan lang, muling nagbahagi ang actress ng pictures nila ng napabalitang beau sa kanyang IG account kasama ang mga cute fur babies nito.

Muling kinilig ang netizens sa kanilang da­lawa na anila perfect daw ang match.

Spotted din ang pagbisita nila sa bahay ng kanyang BFF na si Heart Evangelista kasama pa ang preggy ngayon na si Solenn Heussaff.

‘Di rin na-miss ni Lovi na ipasyal si Monty sa magagandang beach resorts dito sa Filipinas gaya ng Boracay at Pearl Farm sa Davao.

SUE RAMIREZ HIWALAY NA SA DYOWANG BOYBAND MEMBER

MASAYA si Sue Ramirez na may entry na naman siya sa Pista ng Pelikulang PilipinoSUE RAMIRE na nasa ikatlong edisyon na ngayong taon.

Noong nakaraang taon, nagbida siya sa “Ang Babaeng Allergic sa Wifi” na mapapanood na sa Netflix ngayon.

This year, muli siyang bibida sa Cuddle Weather kung saan ginagam­panan niya ang papel ni Adela Johnson, isang beteranang pokpok na mag-tuturo sa isang baguhang callboy ng tricks ng prostitution trade.

Sey niya, ito raw ang pinaka-mapangahas na role na nagawa niya. Paliwanag pa niya, hindi raw naman bastos ang pelikula dahil makabuluhan daw naman ito at matino naman ang kanilang director.

Esplika pa niya, tinanggap daw niya ang role dahil gusto niyang mag-grow as an artist.

“I want to be a versatile na whatever you give, I can do. Pini-peg namin ito sa Pretty Woman ni Julia Roberts. ‘Di ba, she was a prostitute in Pretty Woman but no one ever saw her like malandi, sexy star. So, that’s what we want to do, for me, sa career ko,”pahayag niya.

Speaking of Joao Constancia ng Boyband.ph, inamin niya na hiwalay na sila nito.

Nili­naw niya na mutual decision ang kanilang paghihiwalay at walang kinalaman ito sa kanyang desisyong magpaseksi.

Gayunpaman, nananatili raw namang magkaibigan sila at nag-uusap pa.

Leading man ni Sue sa Cuddle Weather si RK Bagatsing na idinirehe ng hugot writer at director na si Rod Marmol.