LOVI POE DEDMA KAHIT KABOGIN SA KASEKSIHAN

MASAYANG malungkot ngayon ang Kapuso sexy actress na si Lovi Poe. Masaya si Lovi dahilan sa palagiang mataas na ratings ng kanilang “The One That Got Away” pero sa kabila nito ay nakararamdan ng kalungkutan si Lovi dahil magtatapos na sa ere ang kanilang programa.

Maraming natutunan si Lovi sa TOTGA at nagkaroon siya ng additional friends sa katauhan nina Max Collins at Rhian Ramos. Say ni Lovi, noong una ay hindi pa nila gamay ang isa’t isa pero habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay nagiging close na silang tatlo sa isa’t isa.

Sa katunayan pa nga raw ay walang dull moment pag magkasama sila sa set ng kanilang show. Maging ang kompetisyon na kinakabit sa kanila ay nai­tsapuwera na. Wala na raw keber sila kung sino man ang manalo sa kanilang tatlo na pinaka-sexy at pinakamaganda.

Hindi nga maalis na ikumpara silang tatlo ng netizens, lalo na sa eksenang nasa beach sila at kanya-kanyang paandar ng kaseksihan para kay Lovi, bonding time iyon nilang magkakaibigan kahit pa nasa set sila ng TOTGA, at hindi pakabogan ng kaseksihan.

RURU MADRID MAS MISS ANG ASO KAYSA KAY GABBI

SA PAGTATAPOS ng well-loved series ng GMA sa Primetime na “Sherlock Jr.”, siguradong mami-miss ng viewers ang Kapuso cutie at lead star nito na si Ruru Madrid lalo na ang action-packed scenes nito na talaga namang nakaka-amaze. Pero para sa Kapuso actor, ang pinaka-mami-miss niya rito ay ang mga panahong magkasama sila ng BFF niya sa serye na si Siri.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na bago magsimula ang Kapuso program na ito, ay aminado na siya na takot siya sa aso. Pero nang magsimula ang kanilang taping a few months back, natuto siyang harapin ito. Not only that, minahal pa niya talaga si Siri. In fact, kita ito sa mga Instagram stories na ina-upload niya everyday. May chance kaya na kumuha na siya ng sarili niyang pet dog?

GABBI GARCIA SOLO MUNA SA RAKET

HINDI pa nanga­ngalahati ang taon, nakararami na si Gabbi Garcia sa kanyang bucket list. Ayon saGABBI GARCIA Kapuso teenstar, mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ngayong taon ang kanyang pamilya at ang pagta-travel.

Bukod kasi sa pag-aaral, busy rin si Gabbi sa kanyang mga international projects. Kamakailan, in-enjoy niya ang work and play sa Thailand, at pinadala rin siya ng Maybelline sa London para sa isang event doon. Isa rin siya sa mga nag-attend para sa pagpapakilala ng bagong collection ng Louis Vuitton at pak na pak ang lahat ng outfit niya sa bawat event!

Nababalanse ni Gabbi ang work, play, at studies dahil naisingit niya ang saglit na bakasyon sa Singapore nito lang nakaraang linggo. Bagay na bagay siya sa segment ng 24 Oras na ‘BakasiyoniStar’ dahil kabisado na ni Gabbi ang tips and tricks sa pagta-travel!

Comments are closed.