HABANG wala pang kinaaabalahan na teleserye dahilan sa katatapos lang ng kanyang “The One That Got Away” sa Siete, ay sabak na muna sa pelikula si Lovi Poe. Isa si Lovi sa lead cast ng bagong movie na produced ng production ng Bong Revilla at pinagbibidahan ng kanyang mga anak sa pangunguna ni Jolo Revilla, ang ’72 Hours’.
Kung matatandaan ay naging magsyota ang dalawa noon at maituturing na si Jolo ang first boyfriend ni Lovi. Ano kaya ang pakiramdam ni Lovi at muling nakasama ang isang ex niya sa pelikula?
Ayon sa young Kapuso actress, happy siyang makasama muli si Jolo after a long time. Naging friends naman daw sila at ngayon ay may kanya-kanya nang buhay. Happily in love ang dalawa: si Lovi sa kanyang foreigner boypren na si Chris Johnson samantalang si Jolo naman ay kay Jodi Sta. Maria, na may on and off relationship.
Say pa rin ni Lovi, purely professional ang kanilang pagsasama sa isang movie, ika nga, walang personalan at trabaho lang.
SANYA LOPEZ AT JAK ROBERTO HINDI LANG
MAGKAPATID KUNDI BEST FRIENDS DIN
SA 1 million followers ni Sanya Lopez, siguradong hindi nila na-miss ang pag-post ng Kapuso actress sa picture nilang magkapatid na si Jak Roberto.
Ipinagdiwang ni Sanya ang Best Friends Day at si Jak ang itinuturing niyang matalik na kaibigan. Madalang sa mga magkakapatid ang maging ganito ka-close kaya kahanga-hanga ang closeness nilang dalawa. Nakakaaliw silang sundan sa social media dahil kitang-kita ang kakulitan nila lalo na kapag nagiging strict kuya si Jak sa kanya.
Samantala, na-touch din si Sanya nang padalhan siya ng mga bulaklak ng kanyang Sanya Warriors fans para i-celebrate ang pagiging Instagram millionaire niya. Malapit si Sanya sa kanyang fans, dahil may personal siyang connection sa mga ito. Hindi niya nakakalimutan ang mga sumuporta sa kanya mula noong nagsisimula pa lang siya kaya naman walang tigil din ang paghanga ng mga ito sa kanya.
JAK ROBERTO MAY BAGONG BABY
AND speaking of Jak Roberto, ipinakita ni Jak sa kanyang Instagram account ang bagong baby na aalagaan niya, isang sleek at malaking motorsiklo! Gaya ng binili niyang sasakyan, napaka-classy at machong tingnan ang bago niyang motorsiklo dahil kulay itim din ito. Bigatin ang mga naipupundar ni Jak lalo na’t namamayagpag ang kinabibilangan niyang serye na ‘Contessa’! Mas nabibigyan na rin ng pansin ang kanyang acting dahil nakakabilib ang mga eksena niyang nagpapanggap na kakampi ng pamilya Imperial.
Comments are closed.