NAGHIHINALA ang fans ni Lovi Poe na baka raw buntis ang kanilang idolo. Kasi naman sa tweet ng actress ay nagpapahiwatig ito ng mga palatandaan na buntis ito. Tulad ng paghahanap ng kung ano-anong pagkain, gaya ng matamis o maasim.
“The problem with me is that I can eat everything I need to eat for the day in one sitting and still be hungry, “ post ni Lovi.
“Tell me about it! I need something salty…oh, now I need something sweet,” patuloy na tweet ni Lovi.
Dahil dito ay naghinala tuloy ang kanyang followers na baka nga raw naglilihi na ang kanilang idolo.
If ever na totoo na naglilihi na rin si Lovi ay sabay sila ng kanyang kaibigan na si Heart Evangelista na kasalukuyang buntis ay kung ano-ano ang pinaglilihian.
Sa Instagram stories ni Heart kasi ay mababasa ang kakulitan nito pagdating sa paglilihi, tulad na gusto niyang kumain ng chicken na siyempre agad na bibilhin ni Senator Chiz Escudero.
Pero tila gustong i-good time ni Heart si Senator nang sabihin na gusto nitong bumili ng mamahaling gamit, na agad naman tinawanan na lang ni Senator.
“Akala ko lahat puwede,” natatawang say ni Heart.
Samantala, going back kay Lovi, kung kilala mo ang actress ay hindi ka maniniwalang basta na lang ito mabubuntis. Ang laging nasa isip ng actress ay kanyang kinabukasan. ‘Di nga ba sinabi niya sa isang interview na wala sa isip niya na magpakasal. Ang mabuntis, magka-baby pa kaya ang agad-agad na mangyayari.
THEA TOLENTINO INOPERAHAN SA DIBDIB
NAGPATANGGAL pala ng cyst o bukol sa kanyang dibdib ang Kapuso actress na si Thea Tolentino. Ipinaalam niya ito sa kanyang Instagram post na kung saan nagpa-opera ito noong Mayo 24 sa Contura Medica, isang cosmetic surgery clinic na matatagpuan sa Quezon City.
Ipinarating ni Thea sa kanyang followers na naging maayos naman ang operasyon at hindi raw ‘yun ang unang nagpatanggal siya ng bukol sa dibdib.
Dahil dito ay nagbigay ng paalala si Thea sa kanyang fans na ugaliin na magpa-check-up regularly, lalo na sa mga kababaihan para maagapan kung may problema sa katawan.
Dahil na rin sa post ni Thea ay nakatanggap siya ng maraming comment na nagsasabi na magpagaling siya agad. Ang iba naman ay nagtatanong tungkol sa bukol kung dapat daw bang ipatanggal agad sa pamamagitan ng surgery.
Sinagot naman ito nang maayos ni Thea at nagpasalamat din ang actress sa kanyang followers na nagbigay ng magagandang mensahe na magpagaling agad.
Ikinatuwa ni Thea na nakapaghatid siya ng impormasyon para sa mga kababaihan na alagaang mabuti ang kanilang katawan.
Sa ngayon ay wala pa ring teleserye na ginagawa si Thea sa GMA7. Huling teleserye niya ay Haplos.
ALDEN AT MAINE KANYA-KANYA NANG PROYEKTO
HINDI pala Mitho ang pamagat ng gagawing show ni Alden Richards sa GMA 7, ang family drama na may halong adventure at fantasy show niya ay pinamagatan na Victor Magtanggol.
“Natuwa ako at na-excite kasi ‘yung puso ng character naramdaman ko agad habang binabasa ko pa lang ‘yung first week ng script,” say ni Alden sa interview sa kanya sa 24 Oras.
Involved din si Alden sa magiging takbo ng istorya kaya nakikipag-collaborate rin siya sa creative team ng show.
Hanggang ngayon ay wala pa ring lumalabas kung sino ang magiging leading lady ni Victor Magtanggol. Ang sigurado ay hindi si Maine Mendoza ang magiging kapartner ni Alden sa serye.
Pero huwag daw mag-alala ang AlDub fans dahil ayon na rin sa source ay tuloy na tuloy ang gagawing pelikula ng dalawa. Uunahin muna ni Alden ang programa na bahagi ng kontrata niya sa GMA 7.
So, hiwalay muna ang dalawa, si Alden sa Victor Magtanggol at si Maine Mendoza naman ay magbibida sa isang istorya ng Daig Kayo ng Lola Ko.
Dahil kikay in real life si Maine ay posible ring maging guest siya sa Bubble Gang, ang longest running gag show sa telebisyon na napapanood tuwing Friday sa Kapuso Network.
Comments are closed.