KAKAIBA ngayon ang atakeng ginagawa ni Lovi Poe sa kanyang personal na buhay particularly na sa kanyang lovelife.
May bago siyang foreigner boyfriend at hindi tulad nang mga nauna niyang mga boypren ay tila tahimik si Lovi ngayon. Bihira na nga lang siyang magsalita tungkol sa bagong boypren. Hindi na rin naman kaya time na rin para kay Lovi na magpakasal na at hindi na rin naman siya bumabata.
Say naman ng sexy actress, hindi naman daw niya pagbabasehan ang edad sa kanyang pagpapakasal. Kahit daw abutin siya ng edad na 60 bago pakasal ay walang keber si Lovi dito. Aniya, aanhin naman daw niya ang pagpapakasal ng maaga kung hindi pa sure sa taong pakakasalan at masabi lang na may asawa na siya dahil nagkakaedad na. Maging sa boypen ngayon ay nasa getting-to-know-you stage pa ang kanilang relasyon. Hindi rin daw magsasawa itong si Lovi na mahanap talaga ang tamang lalake na pakakasalan.
Sa ngayon ay busy si Lovi sa 2 pelikulang nagawa, ang “The Annulment” at ang movie niya sa Viva with Tony Labrusca and Marco Gumabao.
VANESS DEL MORAL ‘DI MALIMUTANG PINALAYAS NG AKTRES SA
KANILANG DRESSING ROOM
HINDING-hindi raw malilimutan ng Kapuso actress na si Vaness del Moral ang naranasan niya sa isang artista na kanyang hinahangaan kung saan pinaalis siya ng naturang aktres sa dressing room na nauna naman siyang dumating.
Nagulat man ay umalis na lang si Vaness habang sa loob-loob niya ay minumura ang nagpaalis sa kanya.
Kuwento pa ni Vaness, magkasama sila sa isang project niya ng naturang actress at pagdating niya sa set ng kanilang proyekto ay nauna si Vaness at pinapasok naman ng isang staff sa isang room. Dito nga ay enter ang byuti ng supladitang actress at pagkakita raw kay Vaness na noon ay nakaupo ay pinaalis ito sa naturang dressing room.
Dumating naman ang time na muling nagkrus ang kanilang landas, dito ay hindi na pinalagpas pa ni Vaness ang nangyaring insidente at kinumpronta ang actress na hindi na rin naman nilahad pa ni Vaness ang nangyari sa kanilang confrontation scene.