LOWER SRP SA IMPORTED PORK SA SUPERMARKETS TARGET NG DTI

Trade Secretary Ramon Lopez-9

PINAG-AARALAN na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) para sa imported pork sa groceries at supermarkets.

Sa Palace briefing kahapon, sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez na ang SRP ng imported pork sa groceries at supermarkets ay magiging mas mababa sa price ceiling na itinakda para sa for locally sourced pork sa wet markets.

“Knowing that the landed cost for imported pork is lower than farm-gate price here, our suggestion is lower SRP or price ceiling for imported pork that will be sold in the supermarkets,” sabi ni Lopez.

Aniya, ire-require nila ang pagle-label ng outsourced pork bilang imported para maibukod ang SRP nito.

“We are now computing (the SRP) jointly with (the) DA. What is important is that consumers will have options. If they want cheaper meat, they can go to groceries and supermarkets, where there is SRP,”  sabi pa ng kalihim, idinagdag na sisikapin nilang mailabas ang SRP sa imported pork ngayong linggo.

Bukod sa mas mababang landed cost ng imported products, sinabi ni Lopez na ang groceries at supermarkets ay kaunti lamang ang traders sa pagitan ng supply chain.

Samantala, sinabi ng opisyal na may natanggap silang mga report sa price manipulation sa karne ng baboy at bineberipika na nila ito, katuwang ang National Bureau of Investigation, Criminal Investigation and Detection Group, at ang National Security Council.

Comments are closed.