MAKAKAUWI nang libre ang mga Locally Stranded Individuals (LSI) na kasalukuyang nanunuluyan sa military gym ng Villamor Airbase sa Pasay City.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Sky jet Airlines at ng Office of the President, 250th Presidential Airlift Wing (PAW), PMS, Philippine Coast Guard at ng Philippine Navy.
Nakatengga sa Villamor Airbase ang LSI na naapektuhan ng nationwide quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.
Naisakatuparan ang rescue flights na ito dahil sa inisyatibo nina Wilson Tieng at Joel Yan at sa pakikipagtulungan ng Office of the President at opisina ni Senador Bong Go.
Gamit ang flight na BAE 146-200 aircraft bilang pagtugon ng kompanyang ito sa kanilang commitment upang magsilbi sa taumbayan.
Matatandaan na pinirmahan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na mabigyan ang Magnum Air ng 25-year franchise upang mag-operate ng domestic at international air transport services. FROI MORALLOS
Comments are closed.