LSIs TULUNGANG MAKAUWI

Bong Go

IGINIIT ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na dapat tulungan ang locally stranded individuals (LSIs) na makauwi sa kanilang pamilya sa probinsiya subalit dapat masunod ang health protocols.

Ani Go, nasa patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) na kung kailangang i-swab test o rapid test  ang mga LSI para hindi maka­pagdala ng sakit sa mga probinsiya sakaling carrier sila ng COVID-19.

Dapat aniyang  prayoridad ang kalusugan ng  bawat Filipino bagaman hindi puwedeng ipagpaliban ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan basta nasusunod ang health protocols.

Kinumpirma naman ni Go na ipinag-utos ni Pangulong  Rodrigo Duterte na  huwag pabayaan ang mga LSI, pakainin at tulungan hanggang makauwi sa kanilang mga probinsiya.

Aminado ang senador na marami na sa mga ito ang lumapit at nakikiusap na kahit walang makuhang  tulong sa gob­yerno basta makauwi lang at makasama ang kanilang mga pamilya sa probinsiya.

Muli namang nilinaw ni Go na suspended  ang Balik Probinsiya program dahil inuna muna ang mga LSI at returning OFWs kasabay ng  paglilinaw na proponent lang siya at ang Executive Branch na ang  implementing body. VICKY CERVALES

Comments are closed.