LUIS NAKAPAG-PRACTICE NANG MAGING STEPMOM SI CHERRY PIE PICACHE

EXCITED si Luis Manzano sa bagong pag-ibig ng kanyang amang si Edu Manzano na si Cherry Pie Picache. Para raw itong loveteam na ‘KathNiel’ sa pagiging sweet.

Naalala ni Luis na naging stepmom niya si Cherry Pie sa Kapamilya TV Series na “Kampanerang Kuba,” kaya parang practice na raw ito.

Wala naman daw siyang masasabi sa actress dahil napakabait nito sa kanya kahit noong hindi pa sila ni Edu. Hanga rin daw siya dito nang patawarin nito ang pumatay sa kanyang ina. Sana nga raw, ma-enjoy ng dalawa ang kanilang relasyon. — KNM