IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pamamahagi ng lupain na bubungkalin at pagkukunan ng hanapbuhay sa mga rebelde bilang bahagi ng peace efforts ng pamahalaan.
Sa ginanap na virtual presser, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang status ng implementasyon ng land distribution sa mga rebel returnees ay isa sa mga napag-usapan sa cabinet meeting noong Lunes ng gabi.
“We want to accelerate the distribution of land because we know that this has big role in our peace efforts,” wika ni Nograles.
Base sa report ng Department of Agrarian Reform, sinabi ni Nograles na may kabuuang 6,406.6 ektarya ng lupain na nasa Regions II, V, VIII, at XI ang naipamahagi na ng pamahalaan.
“For perspective, this is an area larger than the size of the City of Manila, which has an area of 4,288 hectares,” dagdag pa ni Nograles.
Ayon kay Nograles, upang mapabilis ang pamamahagi ng lupain ay inaprobahan ng Pangulong Duterte ang panukalang pagbuo ng Inter Agency Task Force para sa relokasyon ng mga rebel returnees sa mga hindi nagagamit na lupain ng pamahalaan.
Ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police naman ang naatasang magbigay ng seguridad sa mga government-owned land areas na maituturing na critical in nature.
Samantala, ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang siyang tutukoy sa mga lupaing pag-aari ng gobyerno na nababagay na mai-pamahagi sa rebel returnees.
Ang hakbang ng Pangulo ay itinuturing na “whole of nation approach” para sa kapayapaan sa bansa.
Noong Pebrero 5, 2021 ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang apat na proklamasyon na magbibigay ng amnestiya sa mga miyembro ng Moro National Liberation Front, Moro Islamic Liberation Front at Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/ Revolutionary Proletarian Army/ Alex Boncayao Brigade. EVELYN QUIROZ
393537 596248Intriguing, but not ideal. Are you going to write much more? 968781