PINAALERTO ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko sa inaasahang pagtama ng Bagyong Kammuri o Tisoy.
Sa ulat ng NDRRMC, na batay sa pagtaya ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) mayroong posibilidad na maging Super Typhoon ang binabantayang bagyo.
Paliwanag ng ahensya, oras na pumasok na ang Bagyong Tisoy sa Philippine area of responsibility, magbuhuhos ito ng malakas na ulan sa Luzon at Eastern Visayas na posibleng magdulot ng pagbaha at paguho ng lupa.
Mag-iiwan din umano ito ng malaking pinsala sa mga high-risk structure, mga bahay na gawa sa medium-strength materials, at makapagbabagsak ng malalaking puno at poste.
Dagdag pa ng NDRRMC, tinutumbok ni Tisoy ang kaparehong track ng nakalipas na Bagyong Reming noong 2006 na nag-iwan ng mahigit 700 patay at Bagyong Glenda noong 2014 na nag-iwan ng halos 200 patay. REA SARMIENTO
Comments are closed.