CAGAYAN-NASAKOTE National Bureau of Investigation (NBI) Region-2 ang mag-asawang nagpanggap na empleyado ng Travel Agency na karamihan ng naging biktima ay mga judge mula sa iba’t ibang lugar sa nasabing lalawigan.
Kinilala ni NBI Region 2 Director Atty. Gelacio Bongngat, ang mga suspek na sina Jake Guiyab at Ma. Kristina Guiyab na residente ng Tuguegarao City, Cagayan
Ayon kay Bongngat, modus ng mag-asawa sa mga nabibiktimang judge na nagnanais na magbakasyon sa iba’t-ibang lugar ay hihikayatin at aalukan ng mga travel promo ang mga ito at hihingan ng halagang P180k ay sila na ang magpoproseso ng dokumentong kakailanganin para sa paglalakbay.
Gamit ang internet, nagagawang mahikayat ng mga suspek ang kanilang mga nabibiktima na mag-avail ng travel promo sa murang halaga na kung saan ay umabot sa milyon ang kanilang nakulimbat sa mga inalukan nito.
Sa pagsisiyat ng NBI, natuklasan na taong 2019 pa nang mag-umpisa ang modus na pangingikil ng mga suspek na ang kanilang mga target ay judge.
Nabatid na sa bisa warrant of arrest na inisyu ng korte sa Manila, nadakip ang mga suspek at nahaharap sa kasong swindling estafa at pagla-bag sa cyber crime law. IRENE GONZALES
Comments are closed.