Single again si Paolo Contis at hindi raw siya friends sa kanyang mga exes.
Kasi naman, iba raw yung being friends sa being civil.
“It’s a different story, saying they’re friends and civil, it’s different. And we have reasons to be, di ba? So, ako, hindi ako niniwala na ang mga mag-ex dapat maging magkaibigan unless you actually have reasons to be,” aniya.
Paliwanag ni Paolo: “Naghiwalay na kayo, e. And I think it’s your respect to your partner. Especially yung partner mo. I mean, nakakailang yun para sa partner mo. Yung hindi kayo nag-away, okay yun. Yung civil kayo, like when you see each other, ‘Hey, how are you? Blah, blah. Pero friends, like magkumustahan? You had your time na magkumustahan. Ba’t ngayon magkukumustahan kayo?”
Respeto rin umano ito sa bagong partner.
“Especially kung may partner ka, nakakahiya. And I believe, ako, hindi mo rin gusto yun, kung yung partner mo ganun.”
Ang puwede lamang daw ay yung mag-“hi” at “hello” kung nagkikita kayo nang di sinasadya.
Marami-rami na ring nakarelasyon si Paolo mula nang mag-artista Siya, tulad nina Yen Santos (2020 – 2024), LJ Reyes (2015 – 2021), Lian Paz (2009 – 2012), Isabel Oli (2006 – 2008), Nancy Castiglione (2002 – 2004) at Desiree Del Valle (2000 – 2002). Lahat daw naman sila ay minahal niya noong sila pa.