DAVAO ORIENTAL- PINANINIWALAANG nawala sa katinuan ang isang mister na naghuramentado hawak ang itak matapos nitong gawing hostage ang kanyang misis at anak na dalawang buwang gulang sa labas ng kanilang bahay sa Sitio Bawod, Brgy. San Antonio sa bayan ng Cateel ng lalawigang ito kamakalawa.
Kaagad na rumesponde ang ilang opisyal ng barangay upang payapain ang suspek na kinilalang alyas Rey, 24-anyos subalit umiwas ito at nagtungo sa ilog.
Dahil dito, nakahulagpos ang misis at naiwan bitbik ng suspek ang sanggol na agad sinundan sa ilog ng police team leader na si P/MSgt. Ruben Iway.
Tinangkang tagain ng suspek si Iway pero nakailag ito hanggang sa nabitiwan ang sanggol na nasagip naman ng mga rumespondeng pulis at binaril ang naturang mister.
Agad dinala sa Davao Oriental Hospital ang sanggol upang alamin ang kondisyon nito habang naka-hospital arrest naman ang suspek sa Mati Provincial Hospital. VERLIN RUIZ
Comments are closed.