MAG-UTOL HULI SA BUY BUST SA QC

shabu

ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ni Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr., ang magkapatid dahil sa ilegal na droga sa anti-criminality at anti-illegal drug operations sa Quezon City.

Ayon kay P/BGen. Esquivel Jr., naaresto ng mga tauhan ng Project 4 Police Station (PS 8) sa ilalim ng pamunuan ni PLTCOL Jeffrey Bilaro sa ikinasang buy bust ­operation ang magkapatid na sina  Rosalinda Lovina  alyas  Inday, 49  at  Francis Rey Lovina alias Rey/Balong, 29, kapuwa residente ng Brgy. Krus na Ligas and cohorts Djusa Duran  alias Dyosa, 27,  ng Brgy. Botocan at Arnold Buco alias Loloy, 40,  Brgy. UP Diliman, habang ang 2 pa sa mga menor ay nasagip bandang ala-1:30 ng umaga ng Hunyo 03, 2019,  sa Tiburcio Extn., Brgy. Krus na Ligas, Diliman.

Nakuha mula sa mga suspek ang  siyam na pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400  at ang buy bust money.

Ang suspek na si Duran ay napag alamang mayroong pending case pa dahil sa  illegal drugs at nakapag posted lamang ng bail para sa pansamantalang kalayaan nito. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.