(Magagastos ng gobyerno) P1.4-B/DAY SA MASS TESTING

TINATAYANG gagasta ang pamahalaan ng may P1.4 billion kada araw at hanggang P42 billion kada buwan kung magsasagawa ito ng mass testing sa publiko, ayon sa Department of Health (DOH).

Tinukoy ang dokumento sa  Lancet, isang medical journal, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang random mass testing ng  5% ng populasyon kada linggo ay may risk reduction value na 2%.

“Kung 5% of the population, ilan tayo? 100 million, so 5 million per week divided by 7. That’s 700,000 tests per day. The average P2,000 per test. 700,000 times P2,000 per test, how much is that?” pagtatanong niya sa ANC.

“That is P1.4 billion a day, that is P14 billion every ten days, that is P42 billion in one month,” dagdag pa niya.

Ginawa ni Duque ang pahayag sa gitna ng mga panawagan para sa libreng mass testing kasunod ng surge sa COVID-19 cases na pinaniniwalaang dulot ng Omicron variant.

Ayon kay Duque, ang budget para sa mass testing ay maaaring gamitin sa iba pang mga proyekto.

“My God, I’d rather put that money for my healthcare worker benefits, for ayuda in communities that are doing granular lockdowns. That’s the way to put this huge sums of money to best use,” aniya.

Sinabi ni Duque na makikipagpulong ang DOH sa Departments of Finance at Budget and Management para talakayin ang pagpopondo sa special risk allowance ng healthcare workers para ngayong taon.