BILANG bahagi ng kanilang adbokasya na matulungan ang mga kababaihang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, pinagtuunan ng Magdalena Mission: Alagang Ate Outreach Program ang mga dating worker sa maliliit na bar at night club.
Sa pananaliksik ng PILIPINO Mirror, magdadalawang taon nang namamaluktot sa kumot o nagtitiis kung ano lang ang makain ng mga dating manggagawa sa mga bar at club bunsod ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Ang mga dating bar employee gaya ng mga waitress, kahera, usherette, dishwasher ang nakinabang sa MAGDALENA MISSION: Alagang Ate Outreach Program kung saan binisita sila ng mga Ka Magdalena Ates na pinangunahan ni Police Col. Emma M. Libunao, Assist. PNP-Public Information Office, Ms. Esther Margaux “Mocha” J. Uson, ASEC, PCOO; Ms. Michelle Gumabao, KKDAT Ambassadres, Ms. Marinel Lopina at Lt. Ruthie Q. Daraman, Focal Person, Magdalena Mission/PCADG.
Isa rin sa namuno sa misyon at tumulong sa aktibidad ang kabiyak ni PNP-Directorate for Operations, Maj. Rhodel Sermonia na si Ate Cherrie Pie Sermonia.
Nitong Setyembre 24 ay tinungo ng Magdalena Mission: Alagang Ate Outreach Program katuwang ang Police Community Affairs and Development Group (PCADG)/PNP Elite Fitness Team ng RPCADU NCR at ng Parañaque City Police Station ang Sta. Rita Church Compound, Brgy. Baclaran, Parañaque City upang hatiran ng tulong ang mga kababaihang manggagawa.
Kabilang sa natanggap ng mga Magdalena ang Food Packs na hinugot ng PCADG sa kanilang Food Bank.
“Lubos po ang kagalakan ng ating mga Magdalenas sa munting tulong na hatid ng Magdalena Mission Ates sa kanila,” ayon sa statement ng PNP. EUNICE CELARIO
766816 166084Dude.. My group is not considerably into looking at, but somehow I acquired to read several articles on your weblog. Its amazing how interesting it is for me to check out you fairly often. 172372