Hinihinala ng lahat na magkasintahang sina Maggie Wilson at Tim Connor. Ang Filipino-British na Bb. Pilipinas World 2007 titlist, model, host, at may negosyong may kinalaman sa interior design na si Maggie ay kasal kay Victor Consunji, at mayroon silang isang anak na lalaki.
Si Tim naman ay isang British-Thai entrepreneur na ang negosyo ay may kinalaman sa investment at partnership sa real estate, restobars, at start-up companies.
Wala naman silang sinabing “Oo, kami nan ga,” pero if you are to read between the lines sa mga comments nila, yun na yon. Sabi ni Maggie:
“This guy always says exactly what he means and is the most honest person I’ve ever met. He tells you like it is even if it stings but I love that nothing is ever sugar coated. He’s always up for a chat about anything under the sun, even if the topic is a hard conversation to have,” ani Maggie.
Feeling daw niya ay napakahalaga niyang tao kapag kasama si Tim dahil sa kanya lamang naka-focus ang atensyon nito.
Naging malapit sa isa’t isa sina Maggie at Tim noong 2020 dahil
business partners sila at madalas magkasama sa out-of-the-country trips. Noong December 2021, nilinaw ni Tim hindi sila nagkarelasyon ni Maggie habang sila ay may karelasyon. Kasal si Maggie ng 11 years kay businessman at property developer na si Victor Consunji, pero naghiwalay sila noong September 2021.
MS UNIVERSE ‘73 MARGIE MORAN WALANG IINDORSONG PANGULO
Binali ni Miss Universe 1973 Margie Moran ang fake news na iniendorso niya ang kandidatura sa pagkapresidente ni Vice President Leni Robredo dahil wala raw siyang inindorso kahit sino.
Kahit kakampink sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss Universe 2018 Catriona Gray, huwag na raw siyang idamay dahil ang kanyang napili ay ang taong sa palagay niya’y pinakamahusay na magsisilbi sa bayan.
Hindi raw niya iko-compromise ang pagiging chairperson niya sa Cultural Center of the Philippines (CCP) para sa isang araw na eleksyon.
RYAN CHRISTIAN RECTO KAY LUIS MANZANO: ‘LABS KITA KUYA’
Ipinakita ni Ryan Christian Recto ang pagmamahal niya sa kanyang nag-iisang kapatid na si Luis Manzano nang batiin niya ito noong April 21 sa kanyang 40th birthday.
Sa halip na post, video ang ipinambati ni Ryan na ang sabi, “You know this already, I love you. You’re one of my idols in life and I really appreciate how you’re such a big brother to me when I need you. I wish you well. Same goes with Jessy too. I love the both of you and, yeah, miss you guys. Hope to see you soon! Happy birthday bro!”
First birthday ito ni Luis kasama ang asawang si Jessy Mendiola dahil kakakasal lang nila sa Lipa City noong February 21, 2021. Bumati rin sa kanyang panganay si Star for All Seasons at Lipa House Representative na si Vilma Santos.
Binata na talaga ang anak nina Vilma at Senator Ralph Recto, at kahit artistahin ang hitsura, mas pinili niyang mag-aral. Kung gugustuhin niyang sundan ang yapak sa entertainment industry ng kanyang ina at kapatid, pwede. At may ‘K’ rin naman siya sa politics kug sakali.
SEXY LYCA GAIRANOD NAGDADALAGA
Super sexy ang 17-years old na ang The Voice Kids Season 1 champion na si Lyca Gairanod sa summer wear na na-post sa Facebook.
Ani dating child star, naisipan lang niyang magpaseksi sa pictorial bilang hudyat ng kanyang pagdadalaga. May cute comments daw at may bashers din pero wala siyang paki dahil wala naman siyang inapakang ibang tao.
Hindi raw niya kasalanang napansin siyang slim kahit wala naman siyang anumang diet o workout. In fact, malakas pa nga raw siyang kumain.
Gayunman, hindi pa raw siya ready sa mature roles dahil minor pa siya. Basta pagbubutihin raw niya ang pagkanta dahil iyon naman talaga ang forte niya.
PAU FAJARDO NAPATAWAD NA SI SCOTTIE THOMPSON
Nasa proseso pa raw ng moving on si social media influencer na si Pau Fajardo sa hiwalayan nila ng shooting guard ng Barangay Ginebra San Miguel na si Scottie Thompson pero okay raw naman siya sa ngayon.
Nabigla lang daw siya natuldukan ng walang paliwanag ang walong taon nilang relasyon at sa halip na sila ang magpakasal ay naikasal si Scottie sa isang stewardess. Di pa niya lubusang napapatawad ang kanyang ex pero burado na siya sa kanyang buhay.
“Phase yun ng buhay natin, e, mararanasan at mararanasan talaga,” aniya. “I’ve learned na aside from loving that person, you have to love yourself talaga,” saad ni Pau.
Nirerespeto umano niya kung anuman ang opinyon ng ibang tao sa nangyari sa kanila ni Scottie, lalo na ang sumusuporta sa kanya. Sa mga bashers naman, thank you na lang dahil sinusundan pa rin nila kung ano ang ginagawa niya.
DONNY PANGILINAN, BF MATERIAL PARA KAY BELLE MARIANO
Pareho namang kinu-consider nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na “girlfriend at boyfriend material” ang isa’t isa. Gusto raw nila ang mga katangian ng isa’t isa, pero wala pa talaga silang relasyon sa ngayon.
“Super happy kami. Nakita ninyo naman, di ba? It’s such a blessing where we are, especially to be able to work during the pandemic. Just to be with her through this journey, I wouldn’t want to spend with anyone else,” ani Donny.
Mas gusto raw nilang sila ang maging onscreen partner sa mga proyekto, pero kung ipapareha sila sa iba, susuportahan pa rin nila ang isa’t isa.
HERLENE BUDOL NAG-TRANSFORM PARA SA PILIPINAS
Nag-iba talaga ang hitsura ng tinaguriang ‘Hipon Girl’ na si Herlene Budol ngayong nag-aambisyon na siyang manalo sa Binibining Pilipinas 2022. Hindi “photoshopped” at talagang nakakagigil ang kanyang hitsura sa mga headshot pictures pati na sa group photo nila ng kanyang mga mentor na sina Wilbert Tolentino at Rodgil Flores ng Kagandahang Flores camp.
Sana lang daw, makalusot siya sa final screening, at masaya na siyang makasama sa mga rarampa. Sa 100 applicants, 40 lamang ang pipiliin ng Binibining Pilipinas Charities Inc. kaya panay talaga ang dasal ni Herlene.