MAGPAPASKO SA BORACAY DAGSA, TURISTA ‘DI NA MA-KONTROL

boracay

AKLAN – ASAHAN ang mataas na revenue para sa turismo sa Boracay bunsod ng tuloy-tuloy na pagdag­sa ng mga turista sa nasabing isla.

Kasunod nito, ina­min ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi na nila makontrol ang pagbuhos ng mga turista sa Boracay lalo na ngayong holiday season.

Ayon kay DENR Usec. Jonas Leones, sumobra na sa carrying capacity ng isla ang pumupuntang mga turista sa loob ng isang araw.

Aniya, sa mahigit 6,000 na kapasidad nito sa isang araw para sa soft opening ay umabot na sa 8,000 hanggang 9,000 ang sa mga nakalipas na araw.

Dahil dito, nananawagan si Leones sa mga travel agencies at airline companies na makipag-ugnayan sa kanila para malaman kung puwede pang bumiyahe ang mga turista sa Boracay.

Nanawagan din ang undersecretary sa mga turistang nais pumunta sa Boracay na maghanap na lamang ng ibang destinasyon dahil crowded na ang isla. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.