MARAMI ang mga nagnanais magtayo ng auto repair shop business sa pamamagitan ng franchising, subalit nagdadalawang isip dahil sa laki ng kapital na kinakailangan dito. Hindi biro ang ilang milyon na kailangang gastusin sa puhunan dito. Nitong nagdaang pandemic, maraming negosyante ang kinakailangang magsara ng kanilang mga negosyo upang hayaang humupa ang dulot na pagkalugi nito sa kanilang tinatawag na bottomline.
Sa muling pagbubukas ng ekonomiya ay marami na rin sa ating mga kababayan ang nagbabalikan sa mga nakagawian nilang pag-gastos. Isa sa mga nakikinabang sa revenge spending na ito ay ang mga auto repair shop businesses. Dahil matagal na hindi nagamit ang mga sasakyan at karamihan pa nga dito ay hindi muna pinaayos noong panahon ng lockdown, ngayon ay nagsisimula ng magpagawa ang mga ito.
Inilunsad ng ValuePlus Auto Services Philippines noong 2021 ang Starter Package na tinatawag ng VPX franchise, upang matulungan ang mga nais mag negosyo ng auto repair shop business, na makapag simula sa mas mababang kapital. Ito ay dinisenyo para sa mga nagsisimula at nais magsimulang muli na mag negosyo. Narito ang kaibahan nito sa isang standard franchise package ng VPX.
MAS MABABANG FRANCHISE FEE
Upang matulungan na agad makapag simula ang mga nagnanais mag franchise sa VPX, ay ibinaba nito ang Franchise Fee na ngayon ay ang pinaka mababa sa merkado, mula sa isang milyon ay nasa 750K na ito. Higit dito, pagkatapos pa lamang ng grand opening ng isang VPX franchise ay nabawi na ng isang franchisee ang kanyang puhunan sa franchise fee, dahil sa support na ibinibigay ng VPX sa mga ito.
SAKTONG KAGAMITAN HABANG NAGSISIMULA
Ang pagbebenta ng mga kagamitan ay isang paraan upang kumita ang isang franchise, subalit hindi ito ang business model ng VPX, pinipili lamang ang mga kagamitan na kinakailangan upang makapag simula agad ang isang franchisee. Kung ang isang kagamitan ay hindi agad makakapagdudulot ng karagdagang kita, ito ay hindi muna ipinapabili o ipinapagamit sa isang franchisee, nang sa gayon ay hindi bumigat ang kapital na kinakailangan upang makapagsimula.
PAREHONG KALIDAD NG TRAINING AT SUPORTA
Bagamat lumiliit ang kapital ay hindi naman ito nangangahulugan ng pagbaba ng kalidad ng suporta na ibinibigay sa isang VPX franchisee. Ganoon pa rin ang pamantayan na ginagamit sa pag-hire, train ng mga empleyado, marketing at operational support, at tuloy-tuloy na pag-alalay habang ang isang franchisee ay nakatayo. Dito kilala ang VPX, ang tatak ng isang kalidad at maaasahan na partner sa negosyo, hindi lamang sa simula.
MERKADO ANG NAGDIDIKTA
Sa setup ng isang Starter Package, hinahayaan na ang merkado ang magdikta kung anu-ano pang mga karagdagang kagamitan at serbisyo ang kinakailangan bukod sa mga meron na ang isang standard VPX franchise. Nagkakaroon din ng pagkakataon ang isang franchisee na kumita muna at gamitin ito na panggastos upang lalong mapalago ang kanilang auto repair shop. Ito ang tinatawag na tunay na product (o service) market fit, kung saan may sapat na gamit, produkto at serbisyo na inaalok ang isang shop sa kung ano lamang ang kinakailangan ng merkado nito at hindi, labis o kulang.
Mas maliit na kapital, mas mabilis na return of investment, at hindi naoobliga ang isang franchisee na magsuong ng risks na higit sa kinakailangan upang masiguro na sila ay magtatagumpay sa kanilang pinasok na investment.
Napakahalaga na parehong magwagi ang franchisor at franchisee at hindi lamang one-way ang relasyon nito. Ang tagumpay ng isa ay para sa bawat isa din.
Para sa inyong mga komento at suhestyon sa tinalakay na paksa sa kolum na ito, pakibisita ang aking mga social media pages @talyermentor.