UPANG maging matagumpay ang isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay, ipinag-utos ni Environment Secretary Roy A. Cimatu na magkaroon ng engineering interventions kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng environmental laws upang matigil ang ilegal na pag-tatapon ng wastewater sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa gitna ng rehabilitasyon sa baybayin.
“In order to solve the pollution in the waters of Manila Bay, we at the Department of Environment and Natural Resources (DENR) should trace all the illegal pipes that directly drain polluted wastewater to the bay,” sabi ni Cimatu.
Sinabi ito ni Cimatu matapos madiskubre ang daluyan ng tubig o drainage pipe na nakatago sa boulders ng Station 640 sa kahabaan ng Manila Baywalk sa Roxas Boulevard na direktang nagtatapon ng untreated wastewater sa baybayin.
Ayon sa DENR, base sa water analysis, ang fecal coliform count sa naturang lugar ay mataas at umaabot sa 50 million most probable number per 100 milliliters (MPN/100ml).
Matapos ang isinagawang inspeksiyon, tatlo pang culvert ang nadiskubre sa baywalk. Natuklasan ang pipes sa tabi ng Remedios drainage outfall, sa Station 240 sa tabi Padre Faura outfall at isa pa malapit sa Estero San Antonio de Abad outfall.
Sa Remedios outfall, ang coliform level ay umabot sa 32 million MPN/100ml. Mayroon namang 33 intake drainage ang nakita mula sa US Embassy hanggang Manila Yacht Club.
Nabatid pa sa DENR na ang tubig na nagmumula sa mga drainage ay dumadaloy sa line drainage canal sa baywalk patungo sa Remedios outfall hanggang sa Manila Bay.
“We will continue to examine more closely these culverts, illegal connections, and outfalls. Otherwise, these will continue to spew out pollutants that can impede our progress in the rehabilitation of Manila Bay,” saad pa ni Cimatu.
Dagdag pa nito, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang DENR upang matukoy kung alin sa mga establisimyento ang nakakonekta sa illegal pipes.
“We will study the legal actions we can pursue against these establishments to ensure that they are made accountable for their violation of environmental laws,” anang Cimatu.
“We want to make all violators realize that laws shouldn’t be taken lightly if we want to see a behavior change in the next generations,” dagdag pa nito.
Kasabay nito, ipinag-utos din ni Cimatu ang agarang pagsara o plugging ng illegal outfalls upang matigil ang pagdaloy ng untreated water na patuloy na nagpapadumi sa baybayin. Layon din nito na kumonekta ang mga establisimyento sa mga opisyal na sewer lines.
Ibinilin pa nito sa Manila Bay Task Force na magsagawa ng desiltation at rehabilitasyon ng line drainage canal upang maisaayos ang daloy ng tubig patungo sa Padre Faura at Remedios outfalls. EVELYN GARCIA
Comments are closed.