CAMP CRAME- ASAHAN ang matinding paghihigpit ng Philippine National Police -Highway Patrol Group (PNP-HPG) laban sa unauthorized persons outside of residence (UPOR) o nasa lansangan na lulan ng pribadong sasakyan na hindi naman frontliner o essentials.
May direktiba na ang Joint Task Force Covid Shield sa HPG na magsagawa ng mga mobile checkpoint at Oplan Habol sa kahabaan ng ED-SA at mga major thoroughfares sa Metro Manila para sitahin ang mga UPOR sa loob ng mga pribadong sasakyan.
Dahil wala aniyang quarantine checkpoints sa EDSA, mag-iikot ang HPG para hanapin ang mga sasakyan na may mahigit na isang tao ang sakay at paparahin.
Ginagawa ito ng PNP sa harap ng mga report na marami pa ring mga tao maliban sa mga authorized persons outside of residence (APOR) ang hindi sumusunod sa enhanced community quarantine.
Sa ilalim ng ECQ, ay tanging mga healthworker at iba pang nasa government, essential at emergency services kabilang ang media ang pi-nahihintulutan sa labas ng bahay. REA SARMIENTO