MAHIHINANG PAGBUGA NG ABO NAITALA SA BULKANG TAAL

Taal

SA kabila ng pagbaba ng alerto, patuloy pa rin ang aktibidad ng Bulkang Taal.

Batay sa Taal Volcano bulletin na bandang alas-8  ng umaga, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na naglalabas pa rin ang bulkan ng puting usok na may taas na 50 metro.

Nabatid na umabot naman sa 65 ton kada araw ang naitatalang sulfur dioxide (SO2) emission.

Gayundin, nakapagtala ang Taal Volcano Network ng 182 volcanic earthquakes kabilang ang isang low-frequency event at isang harmonic tremor na tumagal ng tatlong minuto.

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin na nasa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs na posible pa ring makaranas ng weak phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions na maaaring makaapekto sa Taal Volcano Island.