(Mahinang piso sinasamantala)ONLINE SELLERS BINALAAN SA TAAS-PRESYO

DTI-4

BINALAAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga online seller na sinasamantala ang paghina ng piso para magtaas ng presyo ng imported goods.

Ayon kay Trade Assistant Secretary Ann Claire Cabochan, dapat sumunod ang mga online seller na nag-i-import ng kanilang mga produkto sa ibang bansa sa price guidelines na itinakda ng ahensiya.

“Nakikita ninyo naman po wala naman po tayong price control so if there are movements in prices including fluctuations in the value of our peso and other factors in our supply chain disruption ay nagkakaroon po siya ng epekto,” wika ni Cabochan.

Paalala ng opisyal, ang presyo dapat ng mga imported goods na nasa bansa ay kung ano ang exchange rate noong ito ay binili.

“Just also to remind sellers that ‘yung unfair trade practices naman, ‘wag naman nilang gawin at may batas po tayo that will also allow us to run after those who take advantage of the situation,” dagdag pa niya.

Sa pagtaya ng DTI ay may 2 million enterprises sa e-commerce sa kasalukuyan.