MAINE MENDOZA NILINAW NA MALI ANG TERM NA DEAF-MUTE DAHIL HINDI SILA PIPI

NAG-TWEET si Maine Mendoza na nililinaw niya kung ano ang deaf people na showbiz eyeginagampanan ni Carlo Aquino sa kanilang first movie team-up na “Isa Pa With Feelings” ng Black Sheep Productions at APT Entertainment.

“Let me just clear this common misconception about deaf people.  DEAF PEOPLE HAVE VOICES; but many prefer to sign (using FSL: Filipino Sign Language) because it is their first language and their right.  Therefore, the term Deaf-Mute is not right dahil HNDI PO SILA PIPI.”

Sa October 16 na mapapanood in cinemas nationwide ang “Isa Pa With Feelings,” samantalang tinatapos na rin ni Maine ang “Mission Un-stapabol: The Don Identity” with Vic Sotto, na entry ng M-Zet Productions at APT Entertainment, Inc. sa coming Metro Manila Film Festival sa December.

KLEA PINEDA AT JERIC GONZALES MULING MAGTATAMBAL

MULING magtatambal sina Klea Pineda at Jeric Gonzales sa GMA Afternoon Prime drama series na “Magkaagaw.” Una silang nagtambal last year sa “Ika-5 Utos” kaya masaya sila na muli silang binigyan ng GMA ng bagong project na more mature na ang characters na gagampanan nila.  Hindi pa nagdetalye ang dalawa kung ano-ano ang roles na gagampanan nila, maliban sa mag-asawa sila sa story at makakasama nila sina Sunshine Dizon at Sheryl Cruz, sa direksyon ni Gil Tejada.

Kumusta naman ang muli nilang pagtatambal ni Jeric?

“Kung dati po, noong ginawa namin ang “Ika-5 Utos,” hindi kami masyadong nag-uusap, ngayon naman ay comfortable na kaming magkasama, halos four days a week ay nagti-taping na kami mula umaga hanggang gabi, magkasama na kami sa set.  Minsan nga, kahit wala po akong taping pumupunta ako sa set, para may interaction pa rin ang characters namin, kahit si Jeric lamang ang kinukunan.”

Hindi ba siya nababagalan sa takbo ng career niya dahil four years ago pa nang manalo siya sa “StarStruck 6?”

“Hindi po naman dahil after ng talent artista search, nagkasunod-sunod na rin ang projects na ibinigay sa akin ng GMA, bukod sa mga serye na nakasama ako, nagbibida rin ako sa ibang shows like sa “Magpakailanman.”  Ang totoo po, thankful ako na nakagaganap ako ng iba-ibang roles.  At ngayon nga, lead roles na ang gagampanan ko rito sa “Magkaagaw.”

Paano na ang dream niyang maging beauty queen?

“Naroon pa rin po ang dream kong iyon, pero I’m still young kaya gusto ko na munang i-prioritize ang acting  career ko, marami pang time kasi I’m only 20 years old.” now.  Marami pong paghahanda ang gagawin ko if I join the beauty contest kaya saka ko na iyon bibigyan ng tamang oras.”

ALDEN RICHARDS NABULAG NA

LAST Monday evening, October 7, nagsimula ang eksena ni Alden Richards sa “The Gift” na bulag na siya pero may nakikita siyang visions na hindi niya alam kung saan nanggagaling.

Sa video message, sinabi ni Sep (Alden) na samahan siya sa bago niyang mundo. Nakakaloka lamang na maaga pa ay may mga nag-tweet nang nag-switch daw ng time slot ang “The Gift.”  Kaya mabilis na nag-Tweet si Direk LA Madridejos na hindi totoong nagbago sila ng timeslot, pareho pa rin, 8:35 pm after ng “Beautiful Justice,” gabi-gabi.

Comments are closed.